ni Roldan Castro
KINUHA ang reaksiyon ni Jennyyn Mercado sa nalalapit na kasal ng ama ng kanyang anak (Alex Jazz) na si Patrick Garcia. May participation ba si Jazz sa wedding?
“Sana,” bulalas niya nang makatsikahan naming sa contract signing ng bago niyang ii-endorse naZH&K mobile.
Dadalo ba siya sa kasal?
”Oo naman. Kung invited ako, bakit hindi. Okay naman kami, wala namang problema,” tugon ni Jen.
Right now, ginagawa ni Jennylyn ang kanyang filmfest entry na English Only Please with Derek Ramsay. First time nilang magkasama ng hunk aktor. Posible kayang ma-link sila sa isa’t isa lalo’t pareho silang single?
“Mabait si Derek, galing, very professional,” saad niya.
Pero sa ngayon wala raw siyang planong pumasok sa malalim na relasyon.
Tsuk!