Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ronda ni AiAi, nakabibitin

080914 aiai delas alas ronda

ni Roldan Castro

NABITIN kami sa first indie movie ni Ai Ai Delas Alas na Ronda nang mapanood namin ito sa CCP para sa New Breed Category ng Cinemalaya X Film Festival. Highlight niya ang ending ng pelikula pero pinutol ito at naririnig na lang ang hagulhol niya sa pag-iyak habang lumalabas ang closing credits.

Pero challenging ang love scene nila ni Cesar Montano na naka-bra siya at nagpasilip ng kaunting boobs.

Seryosong  aktres si Ai Ai  sa Ronda. Kakaiba ito sa mga nagawa niya na nagpapatawa siya.

Ayon kay Ai Ai , malaki ang pagkakaiba ang acting sa indie sa acting sa mainstream movie.

“Sa mainstream, spoiled ka; maraming Production Assistant. Sa indie, okey na kung anong ilaw ang nandiyan. Basta, sige ka lang ng sige, natural ka, sa mainstream, uma-anggulo ka sa kamera.

“Ang instructions ni Direk Nick (Olanca) sa akin, ‘wag akong aangulo at aarte na artista. Less is more. Dapat all-natural,” bulalas ni Ai Ai.

Co-producer si Ai Ai sa pelikulang ito pagkatapos ng Kung Fu Divas pero after niyang mapanood ang Ronda ay worth it daw.

“Oo, lahat ng pagod, lahat ng mga pinaghirapan namin, lahat ng gastos namin, nakatututuwa naman. Masaya ako bilang producer kasi marami rin ang nanonood sa Trinoma, sa Greenbelt. Nakita naman natin marami rin ang nanonood dito sa CCP kaya thank you sa lahat ng sumuporta sa amin. Mas okay ito kasi mas mura, unlike sa mainstream, P5-M ang pinakamababang percent,” deklara pa niya.

Nag-i-expect ba si Ai Ai na mag-win sa Ronda?

“Nominasyon lang, masaya na ako. ‘Pag nanalo ng award, bonus na ‘yun. ‘Pag gusto ni God na manalo ako, game na. At least kahit ano ang mangyari, na-experience ko makagawa ng indie film,” sey pa niya.

Kasama sa pelikula sina Carlos Morales, Julian Trono, Carlo Aquino, Cogie Domingo, Perla Bautista, Angeli Bayani , Menggie Cobarrubias,  Bernardo Bernardo, Lao Rodriguez, DM Sevilla, Kiko Matos, at Moi  Bien.

‘Yun  na!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …