HINDI kasing ‘daring’ ng kanilang mga pantasya ang mga Amerikano, batay sa resulta ng survey na isinagawa ng condom brand na Durex, subalit sa kabila nito ay lumalago din naman ang tinaguriang ‘sexploration,’ partikular na sa mga transportasyon.
Sa pagdiriwang ng National Orgasm Day sa Estados Unidos, naglabas ang Durex ng resulta ng kanilang survey sa fantasy-versus-reality orgasm experiences ng mga Amerikano, na nilahukan ng 1,000 participants na may edad 21 pataas.
Marami ang mga cliché sex fantasy tulad sa beach at sinehan, habang mas laganap din sa 23 porsyento ng mga participant ang pantasyang makaranas ng orgasm sa loob ng kotse, na sa bilang na ito ay 36 porsyento ang nagsabing nakaranas na ng nasabing sitwasyon.
Naging setting naman ang aklatan (library) para sa matinding orgasm para sa 15 porsyento habang ang ‘sex-in-the-stacks’ naman ay naging paborito sa mga estudyante sa kolehiyo bilang alamat sa campus culture.
Sa pagtatanong sa iba pang pantasya, nagtala ang sex-in-a-plane na kinahihiligang pantasya ng 30 porsi-yento, na sa na-sabing tala ay limang porsyento lang ang umamin na miyembro ng binansagang ‘Mile High Club.’
Kabilang sa iba pang mga lugar na pinagpapantasyahan ang mga fitting room sa loob ng department store (22 porsyento), bubong o balkonahe (20 porsyento), sa loob ng taksi habang bumibiyahe (16 porsyento), simbahan (7 porsyento), at sementeryo (8 porsyento).
Kinalap ni Tracy Cabrera