Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ciara, nabuntis din pagkatapos ng 4 na taong paghihintay

080114 ciara sotto

ni Roldan Castro

KINOMPIRMA ni Ciara Sotto na nine weeks pregnant siya sa review ng Cinemalaya X entry na Hari ng Tondo (Where I Am King) under the direction of Carlitos Siguion-Reyna.

Finally biniyayaan na rin si Ciara pagkatapos siyang ikasal kay Jojo Oconer noong 2010.

Nadiskubre ni Ciara na buntis siya pagkatapos sumali sa Celebrity Dance Battle.

Hindi niya alam na buntis siya nang mag-shoot siya naturang pelikula at  sumali sa dance show ng TV5.

Off –limits muna ngayon si Ciara sa  pole dancing pero puwede pa raw siyang magturo pero titigil muna  siya. Okey pa raw sa kanya na gumawa ng teleserye at movies ngayon.

Entry ni Direk Louie sa Cinemalaya, may touch ni Direk Celso

PROUD kami kay Direk Louie Ignacio pagkatapos naming mapanood ang kanyang Cinemalaya entry na Asintado na ang Gala Premiere ay sa August 2 Sabado 3:30 p.m. sa CCP Main Theatre. May touch ng Celso Ad Castillo ang kanyang obra.

Talagang sineryoso niya ang pelikula dahil magaling ang pagkakadirehe niya. Simple lang ang istorya pero nagkaroon ng kalidad at dinala ng direksiyon ni Direk Louie.

Pumapangalawa na lang ang galing ng mag-iinang Aiko Melendez, Jake Vargas, at Miggs Cuarderno. Si Aiko ay magiging mahigpit na kalaban ni Nora Aunor sa Best Actress ng directors showcase category.

Rebelasyon sa amin si Jake dahil napaarte siya ni Direk Louie. Ramdam na ramdam namin‘yung tension niya na napaihi sa pantalon at ang breakdown scene.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …