Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Iya, boring mag-host; nakaiirita pa ang pagharang sa mga tanong!

073114 IYA VILLANIA
ni Roldan Castro

MAY bagot factor si Iya Villana na naging host sa presscon ng Yes! Magazine’s Most Beautiful Star for 2014 na si Sarah Geronimo ang nanguna at cover girl ngayong taong ito.

Kulang sa saya ang nasabing presscon dahil isang pasosyal na si Iya ang kinuha nila na ayaw tumigil sa kai-English.

‘Yung mga tanong niya sa mga artistang naroon ay hindi rin tamang materyales para maisulat para masiyahan din naman ang mga editor namin.

Nakaiirita rin ang pakikisawsaw niya sa pagtatanong kay Sarah na sa sarili naming opinion ay walang wawa. Feeling niya ay talk show host siya sa isang TV show na boring, walang ratings  at papatayin mo lang ang TV.

Hindi napagtagumpayan ni Iya na maging host sa event ng Yes! sa Elements, Centris Mall dahil maraming press ang hindi natuwa sa kanya.

Buti na lang nagnakaw ng eksena at marami ang naaliw kay Ryzza Mae Dizon sa pagsasabing “Maganda po ba ako? Parang hindi naman!”. Ha!ha!ha! Pasok siya sa banga!

Hinarang din ni Iya ang tanong ng katotong Glenn Sibonga tungkol sa isyung nai-insecure umano si Aljur Abrenica kay Alden Richard. Akmang sasagot na si Alden pero hindi pumayag si Iya at sa one on one na lang daw itanong.

Pero dahil umalis agad si Alden at lumabas sa backstage after ng open forum, marami tuloy ang nairita sa pagiging madiwara ni Iya. Hindi na lang niya pinagbigyan na sagutin ‘yun para may mapulot namang materyales.

Puwes,  ang pagiging boring na lang niya ang host ang maisusulat ngayon, huh!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …