Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pauleen, ikinairita ang bintang na materialistic

072414  Pauleen luna

ni Roldan Castro

NAPIKON si  Pauleen Luna sa isang basher niya sa Instagram na nag-comment na materialistic nang mag-post siya ng  isang  larawan ng softdrink in can na may nakasulat na ‘Babe’.

Ipinadala raw ng kanyang “love” (Vic Sotto) ang picture at ang mga maliliit na bagay daw na ‘yun ang nakapagpapangiti sa kanya.

Nagkomento naman si Pauleen ng  ”it’s easy kasi to judge somebody you don’t know. Try to get to know the person,” sey niya  sa grand opening ng Nails Glow Nails & Beauty Spa sa Northridge Plaza, Congressional Ave na ang aktres ang naimbitahang mag-cut ng ribbon.

Sabi nga ni Pauleen, siya nga ang nakapagpadala kay Vic sa fastfood.

“Those little things, siyempre, hindi nila alam ‘yun, ang nakikita lang nila, basta maganda, feeling nila, si Vic ang nagbigay which is so unfair,” hinaing pa niya.

“Kung mag-comment sila, parang hindi talaga ako nagtatatrabaho, ‘no? Parang lahat daw, galing kay Vic.Teka lang naman. Unang-una, hindi naman ako ipinanganak na pulubi. Pangalawa, I’m very visible sa TV, so it means, I really work my ass off. Tapos, kung pagbintangan nila ako ng ganoon. Grabe,” bulalas pa ng actress-TV host.

Anyway, tuwang-tuwa naman ang mag-asawang owner ng Nails.Glow na sina Ferdie and AJ Open dahil  approachable ang aktres at walang kaarte-arte sa katawan.  Hindi siya talaga nagmadali at pinagbigyan ang mga staff at bisita na makapagpa-photo-op sa kanya.

Isa rin si Pauleen sa napipisil nila na maging endorser ng Nails.Glow na ang isang branch Mareng Maricris ay malapit lang sa bahay niyo.

Minsan ay dalaw tayo sa Congressional para malaman mo na  maganda ang success story ng mag-asawang Ferdie at AJ . Nagsimula lang sila sa isang branch ng Nails.Glow noong 2009 pero ngayon ay may 32 branches na sila nationwide. At take note, class ang lugar pero pang-masa ang presyo. Volume kasi ang gusto nila. Parang Chinese na kaunti angg tubo, okey na.

Talbog!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …