Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Meg, challenge ang pagkaka- extend ngMOD

ni Roldan Castro

BAGONG aura ang nakikita kay Meg Imperial sa book 2 ng Moon of Desire ng Kapamilya Gold. Bagong gupit ng buhok at lutang na lutang  ang kaseksihan.

Challenge sa kanya na na-extend ang Moon of Desire.

“Kailangan kong patunayan na ngayon na-extend, kasi hanggang hindi  natatapos ‘yung ‘MOD’…hanggang on going siya  kailangan mayroon ka pa ring patutunayan at kailangang mag-improve. Mas level-up dapat. Laging nasa isip ko, kulang pa talaga at kailangang i-push,” deklara niya.

Sa palagay niya ano pa ang kulang sa kanya?

“Siyempre, baguhan pa rin naman ako, so, marami pa akong puwedeng matutuhan with my co stars. ‘Yung parang nag-a-ask pa ako at mayroon pa rin akong ilalabas. Hindi ako nag-i-speak na hanggang dito na lang ako. Kailangan ko pa ring mag-grow,” aniya.

Sa istorya ng MOD, nakabuntis na si JC De Vera sa ibang babae, kung sa totoong buhay paano niya iha-handle ‘pag nakabuntis ng ibang babae ang mahal niya?

“Ay siyempre, doble-dobleng sakit ‘yun. Ang hirap. Sa point ko, si Ayla (character niya sa MOD) kasi bibigyan niya ng second chance, eh. Pero kung ako talaga, walang second chance. Kasi pagiging iresponsable ng lalaki ‘yun. Siyempre, dapat ikaw lang,” deklara niya.

Pero kaya ba niya ‘yung sitwasyon na kasama sa work ang karibal niya at ex niya at nasa iisang lugar sila?

“Kung sa work siguro okey lang. Ex naman, eh. Parang wala na ‘yun. Kumbaga, ‘pag naka-move-on ka na, okey na ‘yun. Pero kung hindi pa, siguro may ilangan factor pero kakayanin mo,” sey pa niya.

Posible ba na maging kaibigan niya ang ex niya?

“Oo, ganoon ako,” pag-amin niya.

May naging ex-boyfriend na ba siya?

“Oo naman.  Nagkaroon na… grabe naman ..ha!ha!ha! Friends kami hanggang ngayon,” rebelasyon niya na ayaw na niyang banggitin kung sino ‘yun pero nakasama niya rati sa isang show.

Talbog!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …