Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Piolo, late 20’s ang gustong mapangasawa; gusto ring magkaroon ng apat na anak

072014 Nikki Gil Piolo Pascual Iza Calzado

ni Roldan Castro

SINABI ni Piolo Pascual sa presscon ng Hawak Kamay na late 20’s ang babaeng gusto niyang mapakasalan dahil gusto pa niyang magkaroon ng apat na anak. Dati nga anim pa. Nasanay daw siya sa malaking pamilya.

“Hindi naman early 20’s baka hindi ko rin kayanin, kasing-edad na ‘yun ng anak ko ‘yun, ‘no? Mahirap,” tumatawa niyang pahayag.

Ayaw din niyang tumanda na walang kahawak-kamay. Mahirap din ‘yung  mag-isa siya at may pamilya na rin si Inigo.

May kinalaman din ba na apat na anak ang gusto niya dahil apat ang batang kasama niya sa Hawak Kamay? Ito’y kinabibilangan nina Zaijian Jaranilla, Andrea Brillantes, Xyriel Manabat, at Yesha Camile? Ano ang challenge na mga bata ang kasama niya ngayon sa bago niyang serye na magsisimula sa  Lunes, July 21? Hindi ito love team, hindi ito romantic kundi mga bata ang kasama?

“Nakakapanibago pa rin kasi hindi  sila  technique,  hindi naman ‘yung tipo ng artista na alam mong umaarte. So, mas challenging for me kasi makikita rin sa acting mo ‘pag hindi totoo ‘yung ibinigay mo. Nakaka-intimidate rin na katrabaho ang mga child superstar but it brings out  the young in me,” aniya na nakikipaglaro rin siya sa mga bagets.

Alas-sais pa lang ginigising na ni Papa P ang sarili niya dahil  8:00 a.m. ang shoot niya, ‘yung mga bata ay 7:00 a.m.. Maaga sinisimulan ang mga bata dahil may takdang oras na ibinigay ang DOLE na mag-shoot ang mga bata at hindi kailangan magpuyat. Sobrang adjust daw sila. Maagang nagsisimula at maaga ring natatapos. Lugi nga lang daw siya kasi minsan kailangan pa niyang maiwan dahil bukod sa eksena niya sa mga bata, may eksena rin siya sa mga adult.

Tinanong din si  Piolo kung okey lang sa kanya ang mag-ampon pero mas gusto raw niya na galing sa kanya ang magiging anak niya  bukod kay Inigo. Pero hindi naman niya isinasara ‘yung pinto kung may ibigay sa kanya dahil baby ‘yun at blessings.

“Pero personally, gusto ko naman sarili ko. Gusto ko namang makita na galing sa akin, ‘di ba?,” sambit pa niya.

Boom!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …