Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bela, itinangging ‘di pinansin si Louise

072014 bela padilla  louise delos reyes
ni Roldan Castro

ITINANGGI ng  62nd Famas Best Supporting Actress na si Bela Padilla ang isyung dinedma niya at hindi pinansin si Louise Delos Reyes nang magkasama sila sa taping ng isang show. Akmang babatiin daw  ni Louise si Bela pero deadma ang huli.

Ayon sa tsika, simpatya raw ‘yun ni Bela sa pinsan niyang si Kylie Padilla. Balita kasing naghiwalay sina Kylie at Aljur Abrenica dahil sa pagkaka-link ni Aljur kay Louise.

“Ha??Of course not!!! In-offer ko pa na ibigay niya gamit niya sa  PA ko kasi nagti-taping na. Saan naman galing ‘yun?Ha!ha!ha!

“Ako pa ang unang kumausap sa kanya. Siya nga ‘yung di namansin noong start, eh,” tugon ni Bela nang mag-DM kami sa kanya sa Twitter.

“Ang weird naman! ‘Di talaga kami close ni Louise. I begin with but I did offer her,” mensahe pa niya sa amin.

Asiwa ba noong una si Louise?

“No, walang namang asiwa…we’re not close to begin with, but I talked to her first,” sagot niya

Wala naman daw siya sa posisyon para mag-react kina Louise at Aljur dahil wala siya sa sitwasyon na ‘yun.

Katunanayan, gaganap siyang girlfriend ni Aljur sa pelikulang Cain at Abel. Magi-start pa lang sila kaya hindi n’ya alam kung may ilang factor na mangyayari. Nagbiro na lang si Bela na siguro pipitikin na lang niya si Aljur sa tenga at yayayain na niya itong mag-shoot na sila.

Talbog!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …