Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Maegan, humingi na ng tawad kay Ka Freddie

052614  freddie maegan aguilar

ni Roldan Castro

NABASA namin sa Facebook Account ni Marlene Aguilar ang letter of apology ni Maegan Aguilar sa kanyang ama na si Ka Freddie. Para good karma, tama lang naman na humingi at magpakumbaba si Maegan sa kanyang ama.

July 13 ginawa ni Maegan ang sulat at eksaktong 2 months mula nang umalis siya sa bahay ni Ka Freddie.

Bahagi ng sulat ni Maegan…

“Alam kong naging masakit din para sa iyo ang mga nangyari, lalo na at inilahad ko sa publiko ang matinding away nating dalawa. Marami po ang nagsasabi na hindi ko dapat ginawa ‘yun. Sobrang nasaktan siguro ako ‘Tay kaya inasam kong malaman ng mundo na binasag mo ang puso at kaluluwa ko.

“Gusto kong ipaalam sa ’yo na nasaktan din ako sa ginawa ko laban sa iyo. Nangyari na ang nangyari, at hindi ko na maibabalik ang dati. Ganoon pa man, humihingi po ako ng tawad dahil nasaktan kita.”

Pero nakalagay din sa sulat na hindi sila magpapakita kay Ka Freddie  hangga’t nandiyan ang kanyang asawa na si Jovie.

Nagpasalamat din siya kung pinalayas siya ni Kaka dahil lalo siyang nagsumikap sa buhay. Sa kasalukuyan daw ay maganda ang trabaho niya sa Shangri-la Hotel lobby.

Tsuk!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …