ANG kusina ang ikinokonsiderang puso ng tahanan, hindi lamang sa feng shui, kundi maging sa lahat ng kultura. Ang feng shui wisdom ay nagdaragdag ng elemento sa estado ng kusina na sumasalamin sa estado ng inyong kalusugan; gayundin ay naghihikayat ng pagdaloy ng wealth and abundance patungo sa inyong buhay.
Ang kusina ay bahagi rin ng very important feng shui triangle – ang bedroom, bathroon at kitchen – na direktang nakakonekta sa estado ng ng inyong kalusugan at kagalingan.
Ano ang dapat gawin kung ang inyong kusina ay napakaliit at mistulang hindi mo ito mapapanatiling malinis o walang sapat na lugar para paglagyan ng kitchen supplies?
Kung nahihirapan ka sa kasamang mga tao na burara sa kanilang mga gamit, maaari ring mahirapan kang ayusin ang maraming kasangkapan sa inyong kusina.
Magdesisyon para sa kasangkapan na dapat nang idispatsa at ilagay ang mga nais itabi sa wastong lugar.
Maaaring mapagbuti ang feng shui energy sa inyong kusina sa pamamagitan ng pagsasaayos ng mga kasangkapan dito.
Ang isang feng shui décor element na tugma sa maliit na kusina, ay ang pagkakaroon ng open display shelving. Ang little feng shui trick na ito ay nababagay sa maliit na lugar, na pinagagaan ang enerhiya sa pamamagitan nang maayos na pagdaloy nito.
Dagdag na elemento rin ang pagsasaayos ng mga nakalagay sa open shelves. Tandaan, para sa good feng shui sa buong lugar, dapat na ito ay clutter-free, nakikita man o hindi.
Maaari ring ikonsidera ang re-painting sa wood cupboards sa lighter color, katulad ng puti o pale butter yellow, o ano mang kulay na nababagay sa iba pang elemento ng inyong kusina katulad ng countertops, floors, etc.
Lady Choi