Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ang Lihim ng Revillaroja (Ika-7 labas)

MARAMING PARAMDAM SI MARY JOYCE KAYA HINDI NA NAGTAKA SI JOMAR NANG TAWAGAN SIYA KINAGABIHAN

Nag-thumb’s up siya kay Mary Joyce.

Pagkalandi-landing ngiti ang iginanti nito sa kanya.

Maagang umuwi si Jomar sa kanyang condo. Doon na lang niya pinagtatawagan ang mga katransaksiyon sa hanapbuhay. Mag-aalas-diyes ng gabi ay namamahinga na siya sa malambot na kama. Nagpatugtog siya ng mga paboritong love songs sa mini-speaker. Ipinikit ang mga mata yakap ang mahabang unan.

Noon naimadyin ni Jomar ang malambot na hipo ng napakakinis na hita ni Mary Joyce. Na-dama niya ang mainit-init na kalamnan niyon. Mala-koryenteng gumapang sa bawa’t himaymay ng kanyang katawan. Pero nagawa pa rin niyang magtimpi noon.

Pamaya-maya ay umalagwa na ang kanyang isipan. Buhay na buhay ang larawan ni Mary Joyce sa kanyang harapan, umiindak-indak,umiindayog ang mga balakang sa pagkembot-kembot at umaalog-alog ang malulusog na dibdib. At sa kanyang imahinasyon pa rin ay unti-unti niya itong hinubaran ng mga kasuotan. Ay! Kahit ang kasuluk-sulukang bahagi ng katawan nito ay pagkaputi-puti. At humahalimuyak pa sa kabanguhan.

Tumunog ang ringtone ng cp ni Jomar. May tumatawag sa kanya. At si Mary Joyce ang nabosesan niyang nag-”hello.”

“O, ikaw pala…” aniya makaraang makapag-”hello” at “good evening.”

“Sabi ko sa ‘yo kanina tatawagan kita, di ba?” paalala ng dalaga sa kanya.

“Ah, yes…” ang sagot niya.

“Libre ka ba tonight?” tanong pa ng kausap niya sa cellphone.

“Ikaw pa! Matatanggihan ba kita?” tawa ni Jomar.

Nagpasundo kay Jomar si Mary Joyce sa isang gasoline station na malapit lang sa village na inuuwian ng pamilya-Revillaroja. Naroon na ang sasakyan ng dalaga pagdating niya sa nabanggit na lugar. Lumipat ito sa minamaneho niyang kotse. At iniwan na lamang nito sa gasolinahan ang bagongbagong biling sportscar na kulay pink.

“Sa’n tayo?” ngiti ni Jomar sa pagtatanong kay Mary Joyce.

Walang sabi-sabing hinagkan siya nito sa bibig. Mariin. Pakuyumos. Halos kapwa sila napahingal nang magkalas ang kanilang mga labi.

“Ano, magtatanong ka pa? “ halakhak ng dalaga.

(Itutuloy

ni Rey Atalia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM MSMEs Wall of Champions

SM Supermalls Unveils the 2025 Wall of Champions, Honoring Filipino MSMEs

2025 MSME Awardees and finalists gather at the SM for MSMEs Wall of Champions, joined …

Krystall herbal products

42-anyos BPO employee “open secret” paggamit ng Krystall Herbal Products sa kanyang co-workers

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,                 Isang magandang …

DOST Region 02 Upskills ST Pen Videography to Boost Scicomm

DOST Region 02 Upskills S&T Pen Videography to Boost Scicomm

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 strengthened its science communication initiatives as …

DOST Ilocos VAW

DOST Ilocos Region Deepens its Advocacy for a VAW-Free Philippines Through “ Orange your Icon” Event

Moving the region closer to a truly VAW-free community, the Department of Science and Technology …

PTFOMS Recto

Recto: Human security must be central to national security

Executive Secretary Ralph G. Recto has underscored that human security must be central to the …