Thursday , December 26 2024

Pamahiin ng mga Bombay sa Iba’t Ibang Pagkain

KATOTOHANAN o hindi, o kuwentong kutsero, pinaniniwalaan pa rin ang mga pamahiing tungkol sa pagkain, mula sa mga bagay na maaaring may batayan sa siyensya hanggang sa mga aspetong hindi kapani-paniwala.

Jaggery: Para sa balanseng taon, kumakain ang mga Kannadigas ng jaggery at bevu (neem) sa panahon ng Ugadi.

Dayap at sili: Tinatali ang dalawa sa isang sinulid (1 dayap at 7 sili), sumisimbolo ito sa pagkaalis ng kamalasan. Tinatawag din itong buri nazar. Madalas na makikita ito sa mga tahanan, tindahan, at maging sa mga sasakyan. Iniiwasan itong matapakan kapag nakalatag sa kalsada.

Puno ng Sampalok: Sinasabing tinata-hanan ang punong ito ng masasamang espirito kaya nga dapat iwasang matulog sa ilalim o lilim nito.

Tokwa: Kinokonsiderang suwerte kapag may tokwa at asukal bago maglakbay o kumuha ng pagsusulit.

Bigas: Kapag aksidenteng nabuhos ang bigas sa sahig, hindi dapat walisin; sa halip, kailangan pulutin ang bawat butil nang isa-isa. Pinaniniwalaang ang pagwalis ng mga butil ng bigas ay insulto.

Dahon ng saging: Kakain ba ng pagkain sa dahon ng saging? Paano ba dapat ito tupiin? Palayo o patungo sa iyo? Depende kung saan sa South India ka nanggaling, o kung ano ang okasyon, nagbabago ang pamahiin dito. Sa Kerala, sa panahon ng kasa o kapistahan, ang dahon ay tinutupi ng patungo sa iyo. Subalit para sa libing, ito’y tinutupi ng palayo.

Gatas: Kapag lumipat sa bagong bahay, naglalagay ng gatas sa ibabaw ng lutuan, at kung ito ay umapaw habang kumukulo, kinokonsidera na masuwerte ito at may nakalaang magandang kinabukasan.

Mustasa: Habang nagluluto, kapag natapon ang mga buto ng mustasa, magkakaroon ng away sa loob ng tahanan.

Asin: Pinaniniwalaang malaking kamalasan ang paglalagay o pagbibigay ng asin sa kamay ng ibang tao. Kapag ginawa ito ay masisira ang inyong relasyon sa kanila.

Gold dust: Ang pagpapakain ng gold dust sa isang sanggol ay sinasabing indikasyon ng magandang suwerte.

Isda at tokwa: May nagsasabing ang kombinasyon ng isda at tokwa ay dapat hindi ipaghalo, dahil pinaniniwalaang hahantong ito sa matinding pananakit ng tiyan.

Asukal: Ang pagbibigay ng asukal kanino man makalipas ang paglubog ng araw ay magiging dahilan ng kahirapan sa pananalapi.

Papaya o pinya: Ang pagkain ng papaya o pinya habang buntis ay sinasabing may kamalasan, kaya nararapat na iwasan, dahil humahantong ito sa pagkalaglag ng sanggol na dinadala.

Sumisimbolo ng fertility ang nga itlog, kaya inaakala ng mga magsasaka ang mga basag na itlog ng kanilang sinasakang lupain sa pag-asang magdadala ito ng masaganang na pananim.

Asin: May mga naniniwala na kapag nakatapon ng asin, mamalasin ka. Para maremedyohan ito, magta-pon ng asin sa kaliwang balikat gamit ang kanang kamay.

Pansit: Sa Tsina, sumisimbolo ang mahahabang pansit sa mahaba ding buhay. Kaya hindi dapat pinuputol ang hibla ng pansit—ang kahulugan nito ay pinuputol mo rin ang iyong buhay. Sa halip, kailangang kainin nang hindi na-puputol.

Maraming pamahiin ang tsaa na may koneksyon din sa tsaa. Halimbawa, hindi dapat maglagay ng gatas sa iyong tsaa bago maglagay ng asukal, dahil baka hindi ka makapag-asawa. Salu-ngat dito, ang hindi natunaw na asukal sa ilalim ng iyong tasa ay nangangahulugan ng pagdalaw ng isang estranghero. Hayaan din na iisang tao lang ang magsalin ng tsaa—malas kapag ito ay ginawa nang may kasama.

Kung may mga bula sa iyong kape, dapat hanguin ito sa iyong kutsara o kutsarita at saka kainin dahil magkaka-pera ka kapag ginawa ito.

Ang pagbibigay ng kahel sa isang tao ay magiging dahilan para mapaibig siya sa iyo. (Hindi pa namin nasusubukan ito.)

Bigas: Ang paghagis ng bigas sa bagong kasal ay pinaniniwalaang magbibigay ng magandang kalusugan, kayamanan, kaligayahan, at katiwasayan sa bagong mag-asawa. Sabi namin: pagsasayang lang ito ng bigas. (Pero makabubuti naman ito para sa mga ibon o daga!)

Kubiyertos na pilak: Kapag nakahulog ng tinidor, may dadalaw na babae. Kapag kutsilyo, lalaki naman ang magiging bisita. Ang kutsara, bata ang darating. Kaya mag-ingat sa paghawak ng inyong kubiyertos na pilak!

Silantro: May kagulat-gulat at hindi kapani-paniwalaang mga pamahiin ang silantro. Maka-tutulong ang pagtanim ng mga buto nito sa babaeng buntis. Kapag tumubo ang tinanim, nangangahulugan na mahina ang asawang babae. Kaya sa anomang kadahilanan, huwag magdadala nito sa isang dinner party—ang pagbigay nito bilang regalo ay magdadala ng kamalasan. Magbibigay din ng kamalasan dahil sino nga bang magbibigay nito bilang regalo?

Maanghang na sili: Sa ilang mga bansa, hindi dapat kailan man magbibigay ng sili nang direkta sa isang kaibigan—batay sa mga pamahiin, magiging sanhi ito ng kaguluhan sa pakikipagkaibigan. Kung nais na bigyan ang iyong kaibigan ng Jalapeño, ila-gay sa mesa o counter at hayaang pulutin niya ito.

Kutsilyo: Ang pagpasa ng kutsilyo nang direkta sa sino man ay katulad din ng pagbibigay ng sili—magiging dahilan ito ng ‘paghihiwalay’ ng magkaibigan. Ang kahulugan nito ay hindi rin dapat na magregalo ng kutsilyo; kapag ginawa ito, tiyakin na humingi ng barya mula sa pinagbigyan nito bilang ‘kabayaran.’

Mani: Huwag kumain ng ano mang uri ng mani sa isang pagtatanghal, alin man kung ito ay isang zarzuela o karera (tunay ito!) Pinaniniwalaang ang mani ay nagbibigay ng kamalasan sa mga performers o kalahok sa karera

Nagsimula ang tradisyon ng pagkakaroon ng cake sa kaarawan sa mga sinaunang Griyego. Nagbi-bake sila ng mga honey cake na kahugis ng buwan para ipagdiwang ang pagsilang ng diyosa ng buwan na si Artemis — pero pinaniniwalaan din umaakit ang pagdiriwang ng masasamang espi-rito. Sa pagsabi ng ‘happy birthday’at pagsinidi ng mga kandila, naitataboy ang nasabing mga espirito. Sa ngayon, pinaniniwalaan ng maraming mga tao na ang pag-ihip sa ningas ng mga kandila sa iyong cake ay dahilan para magkatotoo ang iyong kahilingan sa iyong kaarawan. Aba’y mga loko ito!

Tawsi: Sa South India, kumakain ang mga tagarito ng Hoppin’ John, na gawa sa tawsi, para magkasuwerte at katiwasayan sa Bagong Taon.

Mansanas: Sa Bagong Taon ng mga Hudyo, ang Rosh Hashanah, binababad ng mga tao ang mansanas sa pulo’t pukyutan (honey) para sumimbolo ng pag-asa ng matamis na taong sasapit. At noong araw, pinaniniwalaan ng mga tao na kapag naghiwa ng mansanas at binilang ang mga buto nito, prediksyon ito ng bilang ng magiging anak mo.

Sibuyas: Pinalalayas ang masasamang espirito sa isang bahay sa pamamagitan ng pagtusok ng mga pin sa maliit na sibuyas at ilagay sa bintana.

Ubas: Pinaniniwalaan sa mga bansa sa South America na kailangan kumain ng 12 ubas nang isa-isa sapagsapit ng hatinggabi para sumimbolo sa bawat buwan ng taon. Kapag matamis ang ubas, ang partikular na buwan ay magiging maganda. Kapag maasim naman, masama ang buwan.

Saging: Malas ang pagpuputol ng saging.

Chopsticks: Sa Tsina at Japan, ang pagtusok ng chopsticks sa tasa ng kanin ay pa-ngitain ng kamatayan. Ito’y pagsasaayos ng chopsticks na para magmukhang insenso, na sinusunog ng mga Chinese bilang pagpaparangal o pag-alaala sa patay. Bukod dito, kapag ang inyong table setting ay mayroong pares na hindi pantay, nangangahulugan na mahuhuli ka sa pagsakay sa eroplano, tren, o bangka.

Kinalap ni Tracy Cabrera

About hataw tabloid

Check Also

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Krystall Herbal Oil

Pulikat sa lamig ng panahon pinapayapa ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

BingoPlus Chelsea Manalo Feat

BingoPlus welcomes Miss Universe Asia Chelsea Manalo home

BingoPlus, your comprehensive digital entertainment platform in the country, has always been supportive of Chelsea …

BingPlus PANA feat

BingoPlus empowers brand partners before the year ends

BingoPlus, your comprehensive digital entertainment platform in the country, upheld the Christmas party of the …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *