Saturday , April 27 2024

Mga serye ni JC, nagmarmarka!

032414 ellen jc meg
ni Roldan Castro

MASUWERTE si JC De Vera sa paglipat niya sa ABS-CBN 2 dahil nagmamarka ang mga serye na nasalihan niya. Pinag-usapan ang seryeng The Legal Wife bago nagtapos at ngayon naman ay extended ang Moon of Desire bilang leading man ni Meg Imperial tuwing 2:45 ng hapon.

Magmula raw nang maging Kapamilya siya ay nag-concentrate siya sa trabaho. Hindi naman niya isinasara ang pintuan dahil darating din ang time na makakatagpo siya ng bagong pag-ibig. Marami raw siyang nakikitang magaganda at crush niya pero hindi pa nagkakaroon ng time para lubusan niyang makilala. Hangang tingin-tingin lang daw siya ngayon.

Attracted siya kay Maja Salvador pero alam niyang taken na ito kaya hanggang tingin na lang daw siya.

Anytime naman daw ay handa na siyang mag-asawa. Hindi lang niya minamadali. Baka raw three to five years ay puwede na siyang lumagay sa tahimik lalo’t maganda ang mga opportunity na dumarating sa kanya.

About Roldan Castro

Check Also

Bing Velasco Cheska Garcia Pichon Garcia Patrick Garcia

Cheska, Pichon, Patrick wasak sa pagkawala ng ina

MA at PAni Rommel Placente NAKIKIRAMAY kami sa magkakapatid na Cheska, Pichon, at Patrick Garcia sa pagpanaw ng …

Phillip Salvador

Ipe binanatan sa planong pagtakbong senador

MA at PAni Rommel Placente NOONG inanunsiyo ni Phillip Salvador na tatakbo siya sa darating na mid-term …

Marven Marco Gallo Heaven Peralejo

Marco sa relasyon nila ni Heaven—a marriage without a ring

RATED Rni Rommel Gonzales KAHIT halos isang taon na silang nagkakasama sa mga project, alam …

Blind Gay Couple

Showbiz gay nahuli si poging bagets na mas beki pa sa kanya

SUKLAM na suklam ang isang showbiz gay nang matuklasan niya ang isang mapait na katotohanan, na ang …

Elizabeth Oropesa FPJ

Elizabeth ibinuking FPJ pinakamagaling, pinaka-masarap humalik

HATAWANni Ed de Leon NAALIW kami sa ginawang comparison ni Elizabeth Oropeza nang matanong ni Boy Abunda kung sino …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *