Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ang Lihim ng Revillaroja (Ika-5 labas)

“Ito ang gusto ko…” pagtuturo ng daliri ni Mary Joce sa nasabing kotse.

“Ah, okay…” aniya na agad naglabas ng cellphone sa bulsa ng suot na pantalong slack.

Agarang ipina-deliver ni Jomar sa kanilang kompanya ang kotseng nagustuhan ni Mary Joyce. Pero nang nasa garahe na ng mansion ng mga Revillaroja ang sasakyan ay tila biglang nagdalawang isip ang dalaga. Nagpaikot-ikot sa kulay puting kotse, nakakunot-noo, at nailing-iling.

“Parang napaka-extra ordinary pala ng kulay puti… “ anitong nakalinga kay Jomar. “Mas maganda siguro ang pink.”

Pumakla ang ngiti ni Jomar. “Costumer is always right,” bulong na lamang niya sa sarili. “Sige, Miss Joyce… ipasosoli ko ‘yan sa casa.”

Kinurot siya sa pisngi ng dalaga.

“Well and good…” ngiti nito.

Bahagyang umarko ang mga kilay ng binatang salesman. Gigil ba sa kapogian niya si Mary Joyce? O, talagang may pagka-flirt? At hindi na rin lang niya pinansin ang paghawak-hawak nito sa kanyang hita pag-upong pag-upo nila sa sofa. Palibhasa’y sa-nay sa babae, dinedma na lamang niya iyon.

Ibinalik ng delivery man ng kompanya nina Jomar ang kulay puting kotse upang palitan ng kulay pula na ganoon din ang klase at modelo. Pero tiyak na matatagalan bago makabalik sa mansion. Para hindi mainip ang binatang salesman ay nagbasa-basa muna siya ng magasin na nasa mesita ng sofa. Nagpaalam naman sa kanya ang dalaga na may kukunin lang daw saglit.

“Shot-shot lang tayo habang naghihintay,” sabi kay Jomar ni Joyce na may bitbit na blue label sa pagbabalik.

Nagsalin agad ng alak sa dalawang kopita ang dalaga. May tinawag siyang pa-ngalan ng babae na dali-daling lumapit. Hiningan ng yelo sa ice bucket ang kasambahay at pinaglabas din ng ubas at hiwa-hiwang mansanas, pinya at pakwan.

Pinagbigyan ni Jomar ng hanggang tatlong shot ng blue label si Mary Joyce. Ang labis doon ay tinanggihan na niya. Ikinatwiran niya sa dalaga na mayroon pa siyang ibang transaksiyon na pupuntahan. Pero naging magiit ang dalaga. Nang muling magsalin ng alak sa kopita at ipagduldulan sa bibig niya ay naligwak iyon.

(Itutuloy)

ni Rey Atalia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

BingoPlus G2E Asia PH FEAT

BingoPlus furthers Responsible Gaming and Corporate Social Responsibility Campaign at G2E Asia PH

Erick Su, Head of ArenaPlus under DigiPlus Interactive Corp. at the G2E Asia PH 2025. …

BingoPlus SexBomb Girls FEAT

Get, get fun! BingoPlus celebrates SexBomb Girls’ reunion with mall show and studio visit

BingoPlus, the country’s leading digital entertainment platform, amped up the excitement with a fun-filled mall …

Tagaytay Midlands Golf Club President’s Cup BingoPlus FEAT

Tagaytay Midlands Golf Club hosts the Annual President’s Cup presented by BingoPlus

BingoPlus, the country’s leading digital entertainment platform, sponsored the annual President’s Cup, which celebrated the …

Arnold Janssen Kalinga (Kain-Aral-Ligo-NG-Ayos) Foundation

Kalinga Foundation Renews Lives and Hope Through Christmas Outreach

The Arnold Janssen Kalinga (Kain-Aral-Ligo-NG-Ayos) Foundation continues to live out its mission of restoring dignity …

Bulacan Sineliksik Met

Bulacan WWII docu films take spotlight at ‘Kasaysayan sa MET’

CITY OF MALOLOS — In commemoration of the 80th anniversary of the Philippine liberation from …