ni Roldan Castro
KASAL na lang ang hinihintay kina Angel Locsin at Luis Manzano. Pero willing pala si Luis na hindi agad buntisin ang girlfriend kahit mag-asawa na sila. Hindi naman daw sila nagmamadali na magka-baby dahil busy pa sila sa work at marami pa silang dapat asikasuhin sa kanilang mga career.
Puwede naman nilang iantala para ma-explore pa rin nila ang mundo na sila lang muna ang magkasama.
Naniniwala si Luis na mahaba pa ang tatahakin ng relasyon nila bago humantong sa planong kasalan.
Bongga!
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com