Saturday , November 23 2024

Introducing: Ang Electric Suitcase Scooter

Kinalap ni Tracy Cabrera

MULA sa ‘This is a real thing’, we think file ay ang kuwento ng isang magsasakang Intsik na nakaimbento ng tinaguriang mga ‘motorized’ suitcases o maleta.

Inimbento ni He Liang, isang magsasaka mula sa Hunan region ng Tsina, at pina-patent na rin ang masasabing ‘ultimate rollaboard’, o sa mas kilalang ‘multi-functional suitcase’.

Sa larawang kinuha sa Changsha, makikita ang de motor na maleta na tumitimbang ng 15 hanggang 16 na libra at kayang isakay ang dalawang tao. Sa tulong ng wheel hub electric motor sa single front wheel nito, tumatakbo ang malinggit na three-wheeler ng 50 hanggang 60 kilometro—o 31 hanggang 37 milya—kapag naka-full charge. Ang maximum na bilis nito ay 20 kilometro kada oras.

Ang starter nito ay isang rotary switch na matatagpuan sa maliit na handlebar, at mayroon din itong brake handle, habang ang tatlong gulong ay naka-fix na sa ila-lim.

Ayon sa local Chinese media, hindi nakapagtapos ang magsasakang imbentor nito ng primary school subalit ginugol ang 10 taon para malikha ang tinagurian niyang ‘self-propelled carry-on’, na nakapagdadala din ng hindi pa determinadong lugar para sa kargamento at navigational system na rin.

Kung hindi man pumatok ang de motor na maleta, maaari pa ring parangalan si He Liang bilang imbentor ng ‘world’s lightest car’ para maabot ang kanyang panaginip na maging sikat at mayaman.

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

Krystall herbal products

Produktong Krystall katuwang ng pamilya ng delivery rider sa pag-aalaga ng kalusugan

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong, Ako po si …

DOST NSTW Cagayan de Oro City

DOST brings nat’l science, technology, and innovation week in Cagayan de Oro City

The Department of Science and Technology is set to hold the 2024 National Science, Technology, …

DOST-PCCI innovation hub to boost enterprises’ growth

In a landmark collaboration aimed at bolstering the nation’s innovation and economic growth, the Department …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *