Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Diary ng Pogi (Just Call me Lucky 2) (Part 5)

ISANG MALAKING ‘DISGRASYA’ ANG NAGPABAGO SA BUHAY NI POGI

Napatunayan ko kay Miss Apuy-on na hindi lahat ng katangian ay ipinagkakaloob ng Di-yos sa isang nilalang. Mabait siya at matalino. Pero sa aming paaralan ay higit na napagtutu-unan ng pansin ng mga estudyante at ng mga kapwa guro niya ang kanyang kaliitan, kaitiman at “never mind” na mukhang nagpipintugan ang mga tagihawat. At ‘yun din siguro ang dahilan kung kaya’t wala akong kainte-interes makinig sa pagtuturo niya sa harap ng aming klase.

“I hate giving low grades lalo na failing grades. But class, you’ve got to make-up or else…” pagbabanta ni Miss Apuy-on sa mga estudyante na alanganin ang grado sa kanyang klase.

Aaminin ko na isa ako sa tinamaan ng warning ni Miss Apuy-on. Ayokong makatikim ng bagsak kaya nag-double time at effort ako sa pag-aaral sa hina-handle niyang subject na Trigo. Sinipagan ko ang pagbabasa ng libro at paggawa ng mga assignment. At naging atentibo na rin ako sa pakikinig sa mga pagtuturo niya sa aming magkakamag-aral.

Unang linggo noon ng Enero nang muling magbukas ang klase. Karamihan sa mga estudyante ay may hang-over pa ng nagdaang Pasko at Bagong Taon. Dinatnan ko ang dalawa sa aking mga kaklase at dabarkads sa isang tea house na ginagawa naming hang-out. Doon ang istambayan ng mga kabataang babae at lalaking pa-sossy. Malamig kasi roon kaya kahit super mahal ang mga panindang inumin at pagkain ay nagiging mabiling-mabili pa rin. Para bang pa-status symbol ng mga kabataang “can afford”… dahil sa pagsasakripisyo at kayod-kalabaw na paghahanapbuhay ng mga magulang – tulad ng ermat at erpat ko.

“Tinatamad akong pumasok,” sabi ni Jay sa paghihikab at pag-uunat ng dalawang kamay sa kinauupuang silya.

“Ako nga rin, e…” segunda ni Ryan na kaharap ni Jay at nakasubsob ang mukha sa dala-dala niyang kaisa-isang notebook na nakapatong sa mesa na aming inookupahan.

“Kung game kayo, magpakondisyon muna tayo,” nai-suggest ni Jay sa amin ni Ryan.

“Sige, “ sang-ayon agad ni Ryan. “Shot tayo ng konti.”

“Do’n tayo sa dati…” sabi ni Jay na nagmuwestra sa paglaklak ng alak.

(Itutuloy)

ni Rey Atalia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

PCSO MMDA Patient Transport Vehicles PTV

Patient Transport Vehicles (PTVs) inihandog ng PCSO  sa Metro Manila 17 LGUs

LAHAT ng 17 lokal na pamahalaan sa Metro Manila ay nakatanggap ng tig-isang Patient Transport …

Araneta City

Happenings in Araneta City (Dec. 3 to 10, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

Pizza Hut Ultimate Cheesy 8 Pizza

The Ultimate Cheesy 8 Pizza is Pizza Hut’s cheesiest creation yet
Made with 8 cheeses, this festive number is bound to be the centerpiece of any celebration

When it comes to the Filipino holiday spread, no other ingredient is as joyful and …

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST Northern Mindanao gathered its valued media partners for the CEST Misamis Oriental Press Conference …