Saturday , November 23 2024

Sa Daigdig ng mga Engkanto (Ika-57 labas)

KASABAY NA NAGLAHO NI CARMINA ANG MGA PANGARAP NA MINSAN PILIT NA INABOT PERO SA REHAS NAGWAKAS

Nasilayan ko ang pilit na ngiti ni Carmina. Sabay sa mga katagang “antok na antok na ako” ay nagpikit siya ng mga mata. At pagkaraa’y hinigit niya ang dalawang balikat sa paghahabol sa kahuli-hulihang hibla ng hininga.

Naghagulgulan sa pag-iyak ang mga kapatid ni Carmina. Ang kanyang inang si aling Azon, sa tuluyang paglisan ng mapagmahal na anak, ay tulalang napaluha.

Ipinabaon ko kay Carmina ang aking mahigpit na yakap at halik ng pagmamahal na walang pagmamaliw.

Pero hindi pa man natutuyo ang luha ko sa mga pisngi, sa pagbabang-pagbaba ko sa bahay nina Carmina ay isang marahas na kamay ang bumatak sa kuwelyo ng aking polo. Pagbagsak kong padapa sa mga baytang ng hagdan ay may kumulatang baril sa akin. Guma-labog sa likod ko. At may mabilisang nagposas sa aking mga kamay.

“Gago ka, pinahirapan mo kami, a,” sabi ng pulis na dumakma sa batok ko habang pasalikod na nakaposas ang aking mga kamay.

Wala na akong kawala. Pero isang mariing kulata ng puluhan ng baril ang dumapo pa sa batok ko.

Ang dating mundo ko na minsang kinulayan noon ng aking mga pangarap ay nagmukhang malapad na iskrin ng isang sinehan na biglang nagdilim sa pagtatapos ng pelikula. Wala na nga kasi si Carmina ko… wala na.

Hindi ko alam kung gaano katagal akong nawalan ng malay. Nang matauhan at magmulat ng aking mga mata ay naliligiran na ako ng mga pader at rehas na bakal. Inot-inot akong tumindig mula sa pagkakabulagta sa sementadong sahig ng piitan

Sumilip ako sa maliit na bintanilyang bakal din ang mga rehas. Madilim na ang buong paligid ng kinapipiitan ko. Bahagya mang liwanag ng araw ay wala na. Tini-ngala ko ang langit. Gabi na. At mariin akong napapikit. Umuukilkil sa aking utak: “Wala nang nalalabing mahalaga sa buhay ko, maliban na lang marahil kung marara-ting ko ang pinaroonan ni Carmina na sabik na naghihintay sa akin.”   (Wakas)

ni Rey Atalia

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

Krystall herbal products

Produktong Krystall katuwang ng pamilya ng delivery rider sa pag-aalaga ng kalusugan

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong, Ako po si …

DOST NSTW Cagayan de Oro City

DOST brings nat’l science, technology, and innovation week in Cagayan de Oro City

The Department of Science and Technology is set to hold the 2024 National Science, Technology, …

DOST-PCCI innovation hub to boost enterprises’ growth

In a landmark collaboration aimed at bolstering the nation’s innovation and economic growth, the Department …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *