Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Titulong Movie Queen, karapat-dapat din daw kay Sarah!

ni Roldan Castro

UMAAPELA ang fans ni Sarah Geronimo kung bakit ibinigay kay Bea Alonzo ang titulong Movie Queen? Dapat daw ay gawin din siyang reyna dahil naka-tatlong box office queen na ang dalaga sa Guillermo, tapos nag-hit pa ang huling pelikula nila ni Coco Martin.

Kung sabagay kung noon ay may Susan Roces at Amalia Fuentes, may Nora Aunor at Vilma Santos na reyna ng mga pelikula, sa bagong henerasyon swak naman na may Bea at Sarah, ‘di ba?

Pero isa pang isyu ngayon ay kung mahahabol ba ni Sarah ang kita ng pelikula nila ni Coco ang kinita ng movie nina Piolo Pascual at Toni Gonzaga? Bagamat kumikita ang pelikula nila, maging sapat na ba ito para hindi maagaw ni Toni ang koronang Box Office Queen?

Medyo malabo na raw na makagawa ulit ng pelikula si Sarah na ipalalabas ngayong taong ito kaya dahil sa rami niyang commitments, so, may posibilidad na mag-reyna ngayon si Toni.

Pero kalahati pa lang naman ng taon, marami pang puwedeng mangyari kaya abangan na lang natin, huh!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …