Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pokwang, kung saan-saan na nahipuan si Zanjoe

ni Roldan Castro

PLANTSA Queen kung ituring si Pokwang dahil sa mga eksena nila ni Zanjoe Marudo. May shoot sila na halos buong araw ay magkasama sila sa kama at na naka-boxers lang si Z at nakatangga naman si Pokwang.

Sey ni Zanjoe, ”Noong tumagal, wala nang pakialamanan, eh. Kahit mauntog na, matamaan na, masipa na ‘yung kung ano-ano.”

Kung saan-saan daw dumapo ang kamay ni Pokie kay Z. Pagbibiro niya, kasama raw sa script, idinagdag niya.

“Plantsa-plantsa!” sambit ng komedyana.

“Plantsa lang naman, wala namang masama. Naplantsa ko lang!” hirit ni Pokwang.

Kumusta ang ‘pamamlantsa’ niya?

“Keri, keri! Ha! Ha! Ha!” tugon niya sabay tawanan.

Loveless daw ngayon si Pokie pero gusto pa rin niyang magkaroon ng boyfriend.

“Pagka-graduate ng anak ko… kinabukasan rarampa ako,” sey ni Pokwang.

“In fairness sa anak ko, sabi lang niya, ‘Make sure ‘di ka na sosyonga-syonga, ha?, baka mamaya palpak ang makukuha mo, kagaya nangyari before’.

“Pero siyempre ako… actually kapag nakikita kong nagsasalita ang anak ko sa akin ng ganoon naeengganyo ako na maging mas matalino, mas maging matino sa pagpili.”

Naikuwento rin ni Pokie na gustong magpunta ng anak niya sa Japan,

“Nagulat lang lang ako, two  weeks ago, sabi niya ‘Ma, gusto kong pumunta ng Japan?’ Sabi ko, ‘Hintay muna.. kasi may U.S. tour kami nina Pooh, K Brosas, at Chokoleit ng October.’

“Masasama ko siya dahil sem break. Sabi niya sa akin, gusto raw niyang pumunta ng Japan, hopefully, end of this year naman.”

Okey lang kay Pokwang kung makita ng kanyang anak ang kanyang ama?

“Oo naman, at least buo ang pagkatao niya,” sey pa niya.

Boom patok!!

Outing ng PMPC sa Jeds Island Resort, natuloy na!

LAST week ay natuloy ang annual outing cum bonding ng mga miyembro ng Phil Movie Press Club (PMPC) sa pamumuno ng aming pangulo na si Fernan de Guzman. Ang venue ng aming outing ay ang Jeds Island Resort sa Calumpit, Bulacan.

Mainit na tinanggap ng Jeds Island Resort staff sa pamumuno ni Ms Beng ang aming grupo at binigyan kami ng sariling accommodation at private pool na tinatawag nilang Aguila Pool with matching Karaoke kaya walang humpay ng pag-awit ang ginawa ng mga miyembro.

Roon na rin nagkaroon ng awarding ceremonies ang mga winner ng PMPC Writing contest. Sa ganda at lawak ng Jeds Island Resort with 20 swimming pools ay hindi kami nagulat sa rami ng taong pumapasok at lumabas ng lugar for 24 hours operation nito. Kaya tuwang-tuwa ang mga miyembro sa experience nila inside the resort at malapit lang sa Metro Manila along Macarthur Highway sa Calumpit Bulacan.

Kaya kung pupunta kayo roon ay sulitin ninyo ang pagtampisaw sa mga pool nila at tumawag lang sa 02-299-8013,044-675-1672 or 044-320-0064.

Bukod sa Jeds ay gusto naming pasalamatan si Bulacan Vice-Governor Daniel Fernando, Talent Manager Popoy Caretativo at GMA Vice President for Entertainment Ms Marivin Arayata, atHataw publisher Jerry Yap.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …