Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Alex, ‘di nakatutulong para mag-rate ang PBB All In

ni Reggee Bonoan

MUKHANG walang susunod sa yapak nina Kim Chiu, Gerald Anderson, Melai Cantiveros, Jayson Gainza, Robbie Domingo, at Zanjoe Marudo sa housemates ng Pinoy Big Brother All In dahil wala raw silang mga karakter.

Base ito sa pahayag ng nakatsikahan naming taga-ahensiya na ilang gabi rin nilang pinapanood ang PBBAI pero wala raw markado.

“Eh, kasi sina Kim at Gerald, kita mo naman, sikat na sikat na at saka noong nasa loob sila ng PBB, kitang-kita mo na may karakter, si Kim that time, kumakanta-kanta pa, si Gerald, alam mo ng leading man material.

“Sina Melai naman, kita mo naman ‘di ba, riot sila ng napangasawa niya noon dahil parati silang may isyu tapos doon din nabuo ang loveteam nila hanggang in real life na.

“Si Jayson din, kita mo naman, magaling na komedyante, marami siyang shows ‘di ba? Si Zanjoe naman, well kita mo, leading man na ng mga sikat at nagsosolo movie na. Si Robbie, magaling na host,” paliwanag sa amin.

Sabi pa, “napanood mo ba ang ‘PBB All In’? Walang big story, hindi nakatutulong sina Alex (Gonzaga) kasi nag-mellow siyang bigla, sana ilabas niya ang pagiging makulit niya kasi iyon ang gusto ng tao kaya nga siguro siya inilagay doon kasi kita mo naman, walang nangyayari. Si Daniel (Matsunaga) naman, wala rin, parang display lang ang katawan.”

Sabagay, sa ilang gabi rin naming nasisilip ang Pinoy Big Brother All In ay nabo-bore kami kaya mas ginusto pa naming manood na lang ng pelikula.

Samantala, malakas sa social media si Manolo Pedrosa kaya tinanong namin ang taga-ahensiya na posibleng siya ang manalo at sisikat pagdating ng araw.

Pero ang sagot sa amin, “one of those, wala pang masyadong ipinakita. Siguro kailangan niyang gumawa ng kakaiba.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Vilma Santos Mikee Morada Alex Gonzaga

Gov Vilma na-miss ng mga taga-Lipa; Alex at Mikee sinusubukan pa ring makabuo ng baby

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SAYANG at hindi nakadalo ng misa sa San Sebastian Cathedral sa …

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …