Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bahay nina Toni, nagmistulang mini-library sa pagkawala ni Alex

ni Roldan Castro

NOONG huling makapanayam namin si Toni Gonzaga sa Home Sweetie Home, naiinip na siya sa paglabas ni Alex Gonzaga  sa PBB All In. Sobrang tahimik daw ngayon ang bahay nila dahil sa pagkawala ni Alex. Parang mini-library.

“Eh, kasi, kapag nasa bahay ‘yun, kumakanta ‘yun o may naglalakad ng naka-bra at panty o kung ano-ano ang ginagawa,” sey ni Toni.

Pero proud din siya sa kapatid niya sa ginagawa nito sa PBB house at natutong mag-sorry ng personal. Dati raw kasi sa text lang ito nagso-sorry.

Actually si Mommy Pinty lang ang nakaaalam kung kailan lalabas si Alex sa PBB. Kahit nga  ang daddy nila ay gusto nang palabasin si Alex sa PBB house.

Ayaw din daw sabihin ni Direk Lauren  Dyogi kay Toni kung kailan lalabas si Alex. Nginitian lang daw siya.

Kuwento nga ni Toni parang gusto na ring lumabas ni Alex. ”Actually, nagsasabi na raw, sa confession room na, ‘Kuya, ang tagal ko na rito.’ Pero, sabi ni Kuya, sa takdang panahon daw.”

Samantala, bukod sa PBB All In, napapanood din siya sa Home Sweetie Home tuwing Sabado.

May mare-realize si Toni  sa  darating na episode sa buhay, hindi natin alam kung kailan darating ang pagsubok. Pinoproblema niya ang nagkukulang na tubig sa buong Maynila. Apektado na rin sila sa Global Warming dahil kulang ang water supply sa Barangay Puruntong. Isang araw, ibabalita na mawawalan ng tubig ang buong barangay, kaya nag-panic sina Julie. Buti na lang parang boy scout ang kanyang asawang si Romeo (John Lloyd Cruz) dahil lagi itong handa. Nag-ipon ito ng tubig pero makikita nilang ginamit lang ito sa maling paraan. Ang mas malala, hindi nakapaghanda ang buong pamilya. Paano kaya nila magagawan ng solusyon ang problemang hindi nila handang harapin? Alamin sa Home Sweetie Home, na mapapanood tuwing Sabado simula ngayong Mayo 24 ng 6:00 p.m.. Huwag palampasin ang lahat ng ibang mga Kapamilya comedy show dahil nandiyan din ang Banana Split: Extra Scoop tuwing Sabado pagkatapos ng Maalaala Mo Kaya, Banana Nite tuwing weekdays pagkatapos ng Bandila, LUV U tuwing Linggo pagkatapos ng  ASAP 19, atGoin’ Bulilit tuwing Linggo pagkatapos ng TV Patrol Weekend.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …