Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bea, pinakamaganda, pinakamalinis, at pinaka-disenteng makipag-kissing scene — Ms. Susan Roces

ni Roldan Castro

AMINADO si Bea Alonzo na kinakabahan siya at may pressure na papalitan ng teleseryeng Sana Bukas Pa Ang Kahapon ang kontrobersiyal serye nina Angel Locsin, Maja Salvador, at Jericho Rosales, na The Legal Wife. Pero nabubuhayan daw siya ng loob sa magandang feedback ‘pag ipinalalabas ang trailer ng naturang serye.

Dalawang magkaibang babae na kapwa naghahanap ng hustisya ang makikilala ng TV viewers ngayong Hunyo sa nalalapit na pagsisimula ng pinabakabagong primetime drama series ng ABS-CBN na Sana Bukas Pa Ang Kahapon.

Sa serye ay gagampanan ni Bea ang roles ng matapang na abogadang si Emmanuelle at ang mabuting loob na tagapagmana ng isang malaking kompanya na si Rose, na kalaunan ay mapagbibintangan ng isang krimen na hindi niya ginawa.

Todo papuri rin  ang original Movie Queen na si Ms. Susan Roces sa bagong Movie Queen na si Bea, siya raw ang pinakamaganda, pinakamalinis, at pinaka-disenteng makipag-kissing scene.

Dagdag naman ni Dina Bonnevie na kasama sa serye na fan daw siya ni Bea. Talagang inaaral daw ang role niya, ang ganda raw kahit umiiyak sa screen at kahit sobrang intense ang love scene sa movie, hindi raw ‘baboy’ panoorin.

So, sino ngayon sa mga ka-batch ni Bea ang balahura, barubal, at maruming makipag-kissing scene? Sino ang baboy panoorin sa love scene?

Bwahaha!

Anyway, bukod kay Bea, tampok sa Sana Bukas Pa Ang Kahapon ang isang powerhouse cast na binubuo ng award-winning actors na sina Paulo Avelino, Dina Bonnevie, Tonton Gutierrez, Maricar Reyes, at Albert Martinez; at ng mga beteranong artista na sina Eddie Garcia, Anita Linda, at Susan Roces. Kasama rin sa teleserye ang mga Kapamilya child star na sina Miguel Vergara at Ben Isaac at sina Malou Crisologo, Nikki Valdez, Francis Magundayao, at Michelle Vito. Tampok din sina Bembol Rocco, Chinggoy Alonzo, Christian Vasquez, at Lara Quigaman na mayroong espesyal na partisipasyon. Ito ay sa ilalim ng direksiyon nina Jerome Pobocan at Trina Dayrit.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …