Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Willie at Danita, nagkakaibigan na? (Tita Daisy, ‘di raw kokontra)

ni Roldan Castro

NATATAWA na lang  daw si Willie Revillame sa na may magandang ugnayan sila ni Danita Paner.

“Si Tita Daisy (Romualdez) ang girlfriend ko,” pagbibirong reaksiyon ng kontrobersiyal at matulunging TV host.

Si Tita Daisy ay ina ni Danita. Minsan daw ay nagpunta sila kay Willie sa Tagaytay kasama ang mga anak niya dahil noon pa sila magkaibigan ni Willie. Malaki naman ang tiwala ni Tita Daisy kay Wil lalo’t sinabi niya na walang malisya ang closeness nila ni Danita.

Kung sakaling ligawan naman daw ni Willie si Danita at sagutin ito, hindi naman daw kokontra si Tita Daisy. Mahirap daw pigilan ang dalawang taong nag-iibigan.

Samantala, bilib kami kay Willie dahil lagi pa rin siyang pinag-uusapan kahit halos walong buwan nang wala siyang regular na TV show. Para siyang lalaking Nora Aunor o Vilma Santos na bawat sabihin at gawin ay talk of the town. Kumbaga, hindi nalalaos.

Patunay lamang ‘yung huling guesting ni Willie sa Startalk. Halos lahat ng tabloids, naging laman siya at pinatulan talaga siya. Mahal talaga siya ng masa at iba ang karisma niya sa mga televiewer. Kahit ang mga senior citizen ay nami-miss na siya para magbigay ng kaligayahan sa telebisyon.

So, hindi naman tayo bibiguin ni Kuya Wil dahil nararamdaman na ang nalalapit niyang pagbabalik sa telebisyon.

‘Yan ang abangan!!!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …