Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Daniel at Kathryn, madalas mag-holding-hands sa ilalim ng lamesa

ni ROldan Castro

NAKAKIKILIG ang pahayag ni Daniel Padilla sa tanong ni Toni Gonzaga sa The Buzz kung nasaan si Kathryn Bernardo sa puso niya? Buong ningning niyang sinabi na nasa pinakagitna.

Boom! Tagos sa puso ang pagmamahal ni DJ kay Kath kahit hindi pa sila umaamin. Hanggang MU lang ang nabanggit niya at nasa ligawan stage pa lang daw.

Agree naman kami sa tanong ni Toni na madalas hawakan ni Daniel ang mga kamay ni Kathryn. Minsan ay nakita rin namin silang magka-holding hands na papasok sa venue ng birthday party niNeil Coleta sa Tomas, Morato.

Pero itananggi niya kay Toni na madalas silang mag-holding hands under the table.

Hindi pa rin daw puwede na i-lips to lips ni DJ si Kathryn. Matagal pa raw mangyayari ‘yun?

Weh, hindi nga?

HAYDEE MANOSCA, HALIMAW SA ENTABLADO

KAHIT si Aiko Melendez ay bumilib sa boses ng grand champion ng   Stars On 45 ngIt’s Showtime na si Haydee Manosca  noong mapanood niya ito sa The Crowd Restobar sa Madison Square, Mandaluyong City. Nagkainteres nga siya na iprodyus din ito ng show.

Napanood din namin si Haydee sa kanyang concert sa The Crowd kamakailan at talaga namang ‘halimaw’ siya sa entablado. At ang laki ng transformation niya sa hitsura niya rati at ngayong winner na siya sa Stars on 45.

Dating floor manager sa The Crowd si Haydee. Noong opening ng bar ayaw pa siyang pakantahin ng entertainment manager na si Richard Villanueva dahil hindi pa niya naririnig ang boses pero nang sabihin ng  isa sa owner na kumanta siya, natulala at napamura si Richard sa taas ng boses ni Haydee.

At noong manalo siya sa It’s Showtime, binigyan na siya ng Tuesday at Thursday na set sa The Crowd.

“’Yun na po ang ibinigay na trabaho sa akin ng boss ko na si Ms. Cora Rodrigo. Nagpapasalamat po ako sa kanya dahil napansin niya ‘yung talent ko sa singing at nagpapasalamat din po ako kay Mr. Richard Villanueva dahil sa tiwala na ibinigay sa akin,” bulalas pa niya.

Pitong taong gulang pa lang si Haydee ay nadiskubre na niyang marunong na siyang kumanta. Sumasali na rin siya rati sa mga singing contest.

Anyway, hindi lang si Haydee ang napapanood sa The Crowd dahil napapanood din ang Accoustic King na si Paolo Santos.

Tsuk!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …