SINASABING ang pakikipaghalikan ay isang pamamaraan na nagmula bilang daan ng pagsasalin ng germs mula sa isang indibiduwal sa kanyang kapwa, para mapatibay at mapalakas ang kanilang immunity. Subalit hindi ito romantikong dahilan, hindi po ba? Habang maaaring totoo nga na ang pakikipaghalikan ay mayroong underlying biological function, hindi rin naman maitatanggi ang mahalagang bahagi nito sa pakikipag-bonding . . . o pangkabuuang kalusugan.
Hindi lang ito nagpapaganda ng pakiramdam, tunay na makabubuti ito para sa atin. Nakapapawi ito ng stress at nakapagpapalabas ng epinephrine sa ating dugo para mas bumilis ang daloy nito, na maaaring magresulta sa pagkabawas ng LDL cholesterol. Maaari nga rin ituring ang halik na paraan para makatanggap ng ilang mahahalagang hormone, tulad ng testosterone:
“‘Madaling maka-absorb ng mga hormone tulad ng testosterone ang mga mucous membrane na nasa loob ng ating bibig. Sa pamamagitan ng open-mouth kissing, sinasalin ng kalalakihan ang kanilang testosterone sa bibig ng babae, na naa-absorb sa mga mucous membrane . . . at nagpapaigting ng arousal at malamang na humantong sa pakikipagtalik.”
Kapansin-pansin ang paniniwala ni Andréa Demirjian, may-akda ng Kissing: Everything You Ever Wanted to Know about One of Life’s Sweetest Pleasures, na “a kiss a day really can keep the doctor away,” o sa madaling salita ay pinalulusog tayo nito. Narito ang 8 dahilan kung bakit:
1. Nakababawas o nakapagpapaganda sa ating blood pressure
Nakatutulong ang pakikipaghalikan sa pag-dilate ng ating blood vessels, na maka-tutulong naman sa pagpapababa ng ating blood pressure.
2. Nakapagpapaginhawa sa cramps at sakit ng ulo
Ang blood-vessel-dilation effect na inilarawan namin ay nakatutulong din sa pagpapaginhawa ng sakit, partikular ang sakit ng ulo o dismenorya (menstrual cramps).
3. Panglaban sa cavities
Kapag nakikipaghalikan, tumataas ang produksyon ng laway sa bibig, at ito’y nakatutulong para mawala ang plaque sa ating ngipin na maaaring maging dahilan ng cavities. Dangan nga lang ay maaari rin masalin ang cavity-causing bacteria sa pamamagitan ng halik, lalo na kung ang kahalikan ay mayroong masamang oral habits.
4. Pinalalabas ang ‘happy’ hormoneS
Ang pakikipaghalikan ay nagbubunsod sa ating utak para magpalabas ng magandang timpla ng mga feel-good na kemikal tulad ng serotonin, dopamine at oxytocin. Hindi lang mahalaga ang mga ito para sa ating kasiyahan, nakatutulong din ang mga ito sa pagpapatibay ng ating relasyon.
“‘Ang (oxytocin) ay hormone of love, at kapag maganda ang level nito, mas may kapasidad na umibig,’ paliwanag ng psychotherapist na si Arthur Janov, Ph.D., may akda ng The Biology of Love at direktor ng Primal Center sa Santa Monica, California. ‘Napag-alaman namin na yaong mga taong hindi maka-commit sa kanilang love relationship ay may mababang oxytocin.’”
Kapansin-pansin na ang pakikipaghalikan ay nakapagpapa-activate ng mga bahagi ng utak na may kaugnayan sa reward at adiksyon.
“Maaaring nag-evolve ito bilang paraan sa pag-stimulate sa brain systems na may kaugnayan sa sex drive, romantic love, at attachment para ang mga tao ay natutuon ang pansin para maghanap ng potensyal na karelasyon, at saka makapili ng isa para makatalik at sa huli’y tumagal ang ugnayan para makapagpalaki ng supling.”
Ang ating mga labi ay siksik sa mga sensory neuron, na sa pakiramdam ay nabibigyan ng estimulasyon para mag-release ng sebum, na pinaniniwalaang may bahagi sa pakikipag-bonding.
5. Sumusunog ng calories
Hindi man makahalili sa ating workout session … subalit ang halik ay kayang sumunog ng 8 hanggang 16 na calories. Puwede na po, ‘di ba?
6. PinaLalakas ang self-esteem
Napag-alaman sa isang pag-aaral na ang sino mang lalaki na nakaranas ng ‘passionate kiss’ bago pumasok sa trabaho ay mas malaki ang kinitang pera. Indikasyon ito na ang halik ay mas nagpapasaya sa mga tao, nakapagpapalakas ng self-esteem at kalaunan, mas nagiging produktibo sa trabaho.
7. PinaGaganda ang facial muscles
Nakatutulong ang mainit na halik sa paghugis ng ating leeg at jawline sa pamamagitan ng pagwo-work out ng ilang facial muscles.
8. Sinusuri ang compatibility ng partner
Maaaring maging epektibong sukatan ang halik sa inisyal na atraksyon sa isang indibiduwal, kaya nga mayorya ng mga kalalakihan at kababaihan na sumailalim sa survey ay nagsabing ang unang halik ay maaaring maging turn-off sa kanila. Partikular na nagbibigay- halaga sa halik ang mga babae bilang ‘mate assessment device’ at paraan din ng “pagsasagawa, pagmamantina at pagmo-monitor ng status ng kanilang relasyon sa isang long-term partner.”
Ang halik ay maaaring magpalakas din ng immune system at makapagbigay ng makabuluhang stress relief.
Ang ordinaryong tao ay gumugugol ng mahigit 20,000 minuto ng kanilang buhay sa pakikipaghalikan at ito’y sa mahalaga din dahilan. Bukod sa nabanggit na walong benepisyo, naipakita na ang halik ay nakapagpapalakas ng ating immune system at nakababawas sa mga allergic response sa mga taong may allergy sa balat o ilong.
Napag-alaman din sa pag-aaral na bumaba ang stress level ng mga taong gumugugol ng anim na linggong prioridad ang pakikipaghalikan. Bukod dito ay nakararanas din sila ng mas malalim na relationship satisfaction at pag-unlad ng kabuuang cholesterol.
Maaari din may mas mabigat na dahilan kung bakit naging kaugalian ang halik dahil sa ilang mga kultura, kabilang ang paghahalikan sa kanilang “mating rituals.”
Kinalap ni Tracy Cabrera