Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sunshine, desidido nang maipa-annul ang kasal kay Cesar

 ni  ROLDAN CASTRO

GUSTONG-GUSTO na  ni Sunshine Cruz na ma-annul ang kasal nila ni Cesar  Montano na umabot ng 13 years. Sey ni Shine sa morning show na  Kris TV, nag-file siya ng petition bago pa nag-Mahal na Araw.

Wish ni Sunshine na bago mag-40 ay makahanap siya ulit ng bagong kaligayahan.

Sey pa niya, naka-move on na siya, ayaw na niyang makipagbalikan dahil pagod na raw siya at okey na ang sitwasyon niya.

Boompanesss!!!

KRIS AT WILLIE, MAGIGING ENDORSER NG MGA SIGNATURE BAG

KINULIT namin si Ms Cathy Orias, owner ng Katja’s Authentic Boutique  kung sino-sino ang mga artista niyang costumer na  mahirap singilin dahil kinuha nila  sa hulugan ang bag? O, kaya ay tumatalbog ang mga post dated checks?

Ayaw niya itong i-reveal bilang  proteksiyon sa kanila.

Pero willing pa ba siya na magbigay ng bag na hulugan sa mga artista ?

“Pag-iisipan ko pa. ha!ha!ha! Siguro, okey lang kung may post dated checks din. Kasi uso rin naman ‘yung terms kaya lang kailangan ko talaga ‘yung post dated checks para sure,” sey pa niya.

Nadala na ba siya?

“Yes naman, maraming beses na,” aniya pa na nagsimula siya sa ganitong negosyo noong 2008.

“Pero ngayon lang ako nag-serious talaga at nagtayo ng boutique kasi gusto ng mga client makita ‘yung bags. Wala akong showroom, might as well na lang na magtayo ako ng boutique para makapaunta na lang sila sa shop” sambit pa ni Ms. Cathy.

Kinukuha raw niya ang bags sa Europe. Japan, at Hongkong.

Pinasinayaan ng mag-sweetheart na Rodjun Cruz at Dianne Medina ang blessing and ribbon cutting ng  Katja’s Authentic Boutique  noong May 8 sa  3rd floor DMC Building, Mindanao Avenue corner Road 20, Quezon City. Kasama rin nila ang owner na si Ms. Cathy  na hobby na talaga ang pangungulekta ng signature bags hanggang maisipang gawing business na.

“Rati for personal use only pero dumating sa point na ayaw ko na at gusto ko na siyang ibenta. Bata pa lang ako mahilig na ako sa bags, six years old pa lang ako binibigyan na ako ng nanay ko ng “Hello Kitty,” kuwento niya.

Naging highlight ng grand opening ang isang magarbong fashion show na makikita ang mga eleganteng bag gaya ng Prada,  Hermes, Gucci,  Balenciaga, Yves Saint Laurent, Louis Vuitton atbp..

Tinanong namin si Ms. Cathy kung sino ang gusto niyang kuning endorser ng kanyang boutique? Type raw niya si Kris Aquino.

“Kasi love siya ng mga people, eh! At saka, mahilig siya sa bags,” sey pa niya.

Ayaw ba niya na magkaroon din ng male endorser gaya ni Willie Revillame  na mahilig mamigay ng mga signature bag?

“Sige,  gusto ko bigyan niya rin ako,” tumatawang sambit ni Cathy.

Puwedeng mag-log on sa kanilang website na www.katjaboutique.com  o follow sa IG: katjasauthenticcollections.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …