Gud pm po sir,
Nagdrim po aq na ksama q dw ung lolo q, pro s totoo lng po ay patay na ung lolo q.. mtgal na po syang patay e. Anu po kya pnhihiwatig ng drim q? plz pak ntrpret wait q po ito s hataw, plz dnt post my cp #, tnx lot po sir… jst kol me… caloyski,,,!
To Caloyski,
Ang panaginip mo ay maaaring babala na ikaw ay naiimpluwensiyahan ng mga taong negatibo at ikaw ay nakikihalubilo sa mga maling grupo ng indibidwal. Ang ganitong uri ng panaginip ay maaari rin namang isang paraan upang maresobla ang mga nararamdaman sa mga namayapa na. Alternatively, ang ganitong uri ng panaginip ay sumisimbolo sa material loss. Kung ang napanaginipan mong tao ay matagal nang namayapa, ito ay nagsasaad na ang kasalukuyang situation o relationship sa iyong buhay ay may pagkakahawig sa napanaginipan mong namayapa na. Maaaring may kaugnayan ang iyong napanaginipan, kung paano mo iha-handle o hahawakan ang isang relasyon o kung paano mo hahayaang mamatay o magtapos na ito. Posible rin namang ang ganitong panaginip ay nagre-represent ng iyong takot na muling mawala ang mahal sa buhay, o kaya naman, isang paraan upang matanggap ang trahed-yang ito o mga trahed-yang nararanasan sa buhay. Posible rin na ito ay isang paraan din upang magsilbing huling pagkakataon upang makapagpa-alam sa iyong lolong namayapa na. Nagsisilbing daan din ang bungang-tulog mo, dahil naki-ta mo siyang buhay pa-upang maibsan ang pangungulila mo sa kanya at manumbalik, kahit sa panaginip ang mga masasayang pagkakataon at sandali na magkasama kayo.
Sa kabilang banda, kapag nakakita ng matanda sa iyong bungang-tulog, ito ay maaa-ring nagre-represent din ng wisdom or forgiveness. Ang matanda ay maaari rin namang archetypal figure na nagpapakita ng guidance o patnubay sa pang-araw-araw na suliranin o pagsubok na pinagdadaanan.
Señor H.