Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Gladys at Kuya Boy, walang away

ni  Roldan Castro

HUMANGA si Gladys Reyes kay Kuya  Boy Abunda dahil agad siyang tinawagan at nag-sorry pagkabasa sa kanyang controversial Twitter post  sa Buzz ng Bayan tungkol sa interview kayWowie de Guzman.

Ang unang tanong ni Kuya Boy ay kung totoo ba na nagpapa-interview ito lately dahil gustong bumalik sa industriya?

May nagkomento sa Twitter na nakapa-insensitive raw ng question at um-agree naman si Gladys.

Binura na niya iyon sa kanyang Twitter account ang post niyang: ”Hindi ako maka-get over. Bilang kaibigan, parang how insensitive para itanong un, at para sa first question?! Spell INSENSITIVE??!”

Klinaro  ni Gladys na hindi siya galit kay Kuya Boy.

“Once and for all na lang po, ano, hindi po ako galit kay Tito Boy Abunda, hinding-hindi po. And okay na po, for the record.

“Hindi lang naman po ako sa Twitter, kumbaga, inilabas ko ‘yung saloobin ko. I even texted mismo si Tito Boy, sa kanyang mismong dalawang numbers.

“And wala pa yatang one minute or after a minute, nag-text back na siya, and he was very apologetic sa nangyari, hindi lang sa amin na mga kaibigan ni Wowie, even kay Wowie, very apologetic siya.

“And then for that, I admire him for his humility. Siyempre, sa gesture na ‘yun, kaya sana huwag na po nating i-ano, kasi okay na po. Baka lang may lumabas na ibang version, so, ‘yun po, okay na po and napaka-humble ng gesture na ‘yun ni Tito Boy, and we really appreciated it na na-address ‘yung concern,” bulalas ni Gladys.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …