Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Advertisers, sobrang natuwa sa Kapamilya stars

ni  Reggee Bonoan

TUWANG-TUWA ang advertisers na nasa AD Summit Congress sa Subic noong Sabado na sponsored ng ABS-CBN dahil talagang pinasaya sila ng Kapamilya stars sa pangunguna ngShowtime hosts na sina Vice Ganda, Vhong Navarro, Karylle, Kuya Kim Atienza at iba pa minus Anne Curtis dahil may taping ng Dyesebel. Ang nasabing programa ang nagbigay kasiyahan sa advertisers ng buong gabi.

Samantala, nag-mini-concert naman daw si Bamboo na isa sa judge ng reality show na The Voice Kids at nagkroon naman ng spot number si Toni Gonzaga bilang host ng programang Pinoy Big Brother at leading lady ni John Lloyd Cruz sa Home Sweetie Home.

Sumayaw naman sina Enrique Gil at Julia Barretto na cast ng Mira Bella gayundin sina Andi Eigenmann at Sam Milby cast ng Dyesebel at may special participation si DJ Tom Taus para sa live electronic dance music kaya lalong nag-enjoy ang advertisers.

Kumanta naman sina Paulo Avelino at Bea Alonzo soundtrack ng upcoming serye nilang Sana Bukas Pa Ang Kahapon, ang Gusto Kita na orihinal na kinanta ni Gino Padilla.

Malakas talaga ang hatak ni Piolo Pascual nang lumabas siya dahil tilian ang kababaihan para sa seryeng Hawak Kamay kasama sina Iza Calzado, Nikki Gil at childstars na sina Zaijian Jaranilla, Xyriel Manabat, at Andrea Brillantes.

Nagparapol naman ang ABS-CBN para sa advertisers at dagdag katuwaan ay nagpakontes ngPoGay, Stars in 45, at That’s My Thou na sinalihan din ng TV executives ng Dos.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Vilma Santos Mikee Morada Alex Gonzaga

Gov Vilma na-miss ng mga taga-Lipa; Alex at Mikee sinusubukan pa ring makabuo ng baby

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SAYANG at hindi nakadalo ng misa sa San Sebastian Cathedral sa …

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …