Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kris, nagbalik-The Buzz; Janice at Mina, wala nang show sa Dos

 

ni  Reggee Bonoan

‘SHE’S back’ ito ang tsika sa amin ng taga-ABS-CBN na ang tinutukoy ay si Kris Aquino sa programang The Buzz kasama si Boy Abunda.

Yes Ateng Maricris, nagbabu na ang Buzz ng Bayan noong Linggo kaya’t babu na rin sina Janice de Belen at Carmina Villaroel.

Hindi maliwanag sa amin kung nakailang season ang Buzz ng Bayan pero ang parati naming naririnig sa netizens ay hindi nila type ang nasabing programa at mas gusto pa rin ang konsepto ngThe Buzz.

Noong marinig naming ibabalik ang The Buzz at muling magtatambal sina Kuya Boy at Kris ay tinext namin ang Queen of all Media pero sinagot kami ng ‘no comment’.

At noong nakaraang linggo ay nag-post si Kris sa kanyang Instagram ng, ”True Love has a habit of coming back” at sa ibaba ay inilagay niyang May 18, 2014.

Tatlo kasi ang programang nakalagay sa kontrata ni Kris at dalawa lang ang umeere, Kris TV atAquino & Abunda Tonight kaya magiging pangatlo ang The Buzz na puro talk show lahat.

Tinext namin si Kris kung tuloy pa rin ang Aquino & Abunda Tonight maski may The Buzz at sinagot naman kami ng, ‘super LAKAS A & A of course MAINTAIN’.

So, ‘yun na!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Vilma Santos Mikee Morada Alex Gonzaga

Gov Vilma na-miss ng mga taga-Lipa; Alex at Mikee sinusubukan pa ring makabuo ng baby

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SAYANG at hindi nakadalo ng misa sa San Sebastian Cathedral sa …

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …