Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Anim na painting ni Heart, binili ni Bistek (Ilan kaya ang para kay Kris?)

ni  Roldan Castro

TINANONG si Heart Evangelista kung willing niyang i-paint ng nude ang boyfriend niyang si Senator Chiz Escudero?

“Gusto ko akin na lang ‘yung view na ‘yun,” mabilis niyang sagot.

Inamin ni Heart na inimbita niya si Marian Rivera sa kanyang art exhibit na I Am Love Marie, The Art and Works of Love Marie Ongpauco sa Artist Space ng Ayala Museum, Makati City noong Thursday night.

Ibinigay niya kay Dingdong Dantes ang imbitasyon pero mukhang inisnab ni Marian ang okasyon.

“Maybe busy sila. Okey lang. They’re stars. I’m sure they have their own schedules, so okey lang,” sambit ni Heart.

Pero nakita namin doon sina Susan Roces, Mark Bautista, Rhian Ramos, Bianca King , Solenn Heussaff, Lovi Poe, Senator Manny and  Cynthia Villar at ang punong abala ang boyfriend niyang si Senator Chiz. Tuwang-tuwa siya sa support ni Chiz sa exhibit niya. “Ang haba ng hair ko,” sey pa niya.

Kung may artista raw na gustong i-paint ni Heart ay si Solenn dahil sa magandang pigura nito at magandang mukha.

Tuwang-tuwa si Heart dahil wala pang kalagitnaan ng exhibit pero halos sold out na ang mga painting.

Usap-usapan sa kumpulan ng press na imbitado sa event na anim umano ang binili ni Mayor Herbert Bautista sa mga painting ni Heart. Kanino kaya ibinigay ni Bistek ‘yun? Ilan kaya ang natanggap ni Kris Aquino?

‘Yun na!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …