Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Norte, Hangganan ng Kasaysayan at Dukit, pinaka-maraming nominasyon sa Gawad Urian

ni  ROLDAN CASTRO

BUHAY na naman ang mga Noranian at Vilmanian dahil maglalaban sa Gawad Urianang kanilang mga idolo. Parehong nominado sina Nora Aunor at Vilma Santos bilangBest Actress na katunggali sina Angeli Bayani, Cherie Gil, Eugene Domingo, Rustica Carpio, Agot Isidro, Vivian Velez, at Lorna Tolentino.

Gaganapin ang awards night sa June 17,  Studio 9 and 10 sa ELJ Bldg. ng ABS-CBN 2. Sina Piolo Pascual at Bianca Gonzales ang hosts kasama ang miyembro ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino. Mapapanood ito sa Cinema One at the same night, 10:00 p.m. at may mga replay ito sa weekend ng ika-21 at ika-22 ng Hunyo.

Nangunguna sa rami ng mga nominasyon ang Norte, Hangganan ng Kasaysayan ni Lav Diaz at ang Dukit ni Armando Bing Lao na parehong may 10 nominasyon sa iba’t ibang kategorya. AngOn The Job naman at Porno ay nominado sa siyam na kategorya, habang ang  Transit ay mayroong walong nominasyon ngayong taon. May anim naman na kategorya na nominado ang Riddle of my Homecoming at ang  Ekstra. Ang mga pelikulang Badil at Ang Kuwento ni Mabuti ay may apat na nominasyon. Gagawaran naman ang direktor na si Mike de Leon bilang Natatanging Gawad Urian o katumbas ng Lifetime Achievement Award.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …