Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pag-aasawa, ‘di biggest goal para kay Toni

ni Roldan Castro

BINIBIRO si Toni Gonzaga kung ang Pinoy Big Brother All In ba ang huling season na makikita siyang dalaga dahil mag-aasawa na siya? Paano kung maganap ang ang marriage proposal ni Direk Paul Soriano sa mismong PBB house?

“Ginawang housemate si Paul? Huwag naman! Huwag sa bahay. Sa dressing room! Sa dressing room daw, o!,” pagsakay niyang sagot.

Hindi naman daw niya nira-rush dahil nasa kalendaryo pa  naman siya.

“’Pag wala na ako sa kalendaryo. Parang kakabahan na ako roon. Ngayon kasi I’m just really happy with opportunities. I’m happy for Bianca. This is her year, this is her moment, let’s give it to her.”

Magpapakasal daw siya in God’s will at God’s timing. Na-realize daw niya sa industriyang ito na timing is always perfect.

Wala ba siyang inggit factor kay Bianca Gonzales na naganap sa airport ang marriage proposal ng boyfriend nitong si JC Intal?

“Hindi…hindi…Walang inggit factor. Hindi naman kasi ako ‘yung, bata pa lang, ang biggest dream na is to get engaged, to be married. Kasi, alam ko talaga na ang babae, darating talaga  sa panahon na mag-se-settle down, magpapakasal. So, hindi talaga siya ‘yung biggest goal ko.I know that one day, I will be a mom, I will be a wife. Not yet now siguro,”  deklara niya.

Anyway, wala ring alam si Toni kung sino-sino ang papasok sa bagong edition ng Pinoy Big Brother All In na nagsimulang umere  kahapon (Abril 27). Ever since, sa mismong pagbubukas ng bahay ni Kuya  rin nila nalalaman kung sino-sino ang mga housemate.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …