Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Toni, ibinuko si Alex na ‘di raw mahilig sa lalaking guwapo kundi sa may pera

ni  Roldan Castro

GUSTO ba ni Alex Gonzaga na pumasok sa Bahay ni Kuya (Pinoy Big Brother)?

“Masaya ako dahil wala si Pinty (mommy niya), wala si Bonoy (daddy niya). Akin ang batas,” bulalas ni Alex.

Mas mahigpit ang batas  sa bahay ni Kuya?

“Gusto ko for experience pero actually ayaw talaga ng daddy ko at saka mommy ko. Baka raw kung ano ang gawin ko. Parang ano ba ako?,” sey niya.

Kahit ang Ate Toni niya ay ayaw na pumasok siya sa loob ng PBB house dahil maingay ito, rowdy.

“Barbaric ba ako? Wala ba akong pinag-aralan?,” natatawang reaksiyon ni Alex.

“Panahon ba ako ng uncivilized? Ganoon? Grabe sila. ‘Hindi ka puwedeng pumasok sa bahay ni Kuya’. Ang sama ng ugali. ‘Anong gagawin mo roon? Dadalhan mo kami ng kahihiyan.’ Sabi ko, Barbaric? No read, no write,  homosapien?

“Ano ba ang naidudulot ko? Ako ba ang dahilan kaya bumagsak ang gas?… ng ekonomiya? Ako ba lahat?” reaksiyon pa ni Alex sabay tawanan.

Samantala, brotherzone lang ang turing niya kay Ryan Bang.

“Kapag tinatanong ko sa kanya, ‘Hoy, nanliligaw ka? Feeling ko nanliligaw ka, nagpapa-cute ka. Ang sasabihin niya, ang feeling ko raw talaga. Ang kapal daw talaga ng mukha ko,”kuwento ni Alex.

“I think seryoso siya, pero talagang the door is closed,” pagbibiro pa ni Alex na sagot.

“Basta si Ryan Bang, the door is closed. Akala ni Ryan, galit sa kanya ang ate (Toni) ko. ‘Di ba, magkatrabaho sila sa ‘Home Sweetie Home’? Natatakot daw siya. Sabi ko sa kanya, ‘Hindi magagalit sa ‘yo ang ate ko kasi hindi naman kita hinu-holding hands, hindi naman kita hinahalikan, hindi naman kita binu-boyfriend.Walang galit sa ‘yo. Siguro kung mag-attempt ka sa akin ng mga ganoong bagay, alam mo naman hindi tayo puwede sa ganoon,” dagdag pa ni Alex.

Wala raw nagpapakilig sa kanya ngayon, wala naman daw siyang nagugustuhan. Ngayon single talaga.

“Pero minsan gusto ko sa babae. Tivoli? Hahaha,” pagbibiro niya.

Gagayahin ba niya ang Ate Toni sa pakikipagrelasyon?

“Hindi ko rin siya gagayahin kasi may ugali siya, eh!Minsan hindi siya nagte-text ganoon.

“Kasi ganito ‘yun, eh..kung maganda ka na, hindi mo na kailangang maghanap ng may hitsura, kasi maganda ka na, eh. Confident ka  na sa magiging anak mo, eh!”

Hirit naman ni Toni: “Alam mo, ang kapal ng mukha niya, sabi niya, ‘ate, hindi talaga ako naghahanap ng guwapo kasi dapat sa isang relasyon…may isang maganda, ‘yung isa tama lang.’ So, sabi ko,’ a, talaga, sa amin, sino ni Paul?’ Sagot niya.’.alam mo na’…ha!ha!ha! Ako raw ‘yung hindi masyado. Ha!h!ha! Ang sama ng ugali,” sabay tawa niya.

Sey naman ni Alex: “Siya mahilig sa guwapo. Ako, hindi na kailangan.”

“Hindi guwapo..pero mayaman,” sagot ni Toni.

“OA ka naman. May dating… ,” pangontra ni Alex.

“sa pera,” tumatawa namang dagdag ni Toni.

Binatukan ni Alex si Toni sabay sabi ng: “Hindi naman ako mahilig sa mayaman. Si Geron (naging rumored boyfriend niya), hindi naman mayaman, ‘no? Si Kean (Cipriano, naka- MU niya) ba mayaman?”

Anyway, bukod sa Banana Split:Extra Scoop at Banana Nite, kasama si Alex sa pagbubukas ng Pinoy Big Brother All In sa Apil 27, Linggo sa ABS-CBN 2 bilang host. Kasama rin niya sina Toni Gonzaga, Bianca Gonzales, John Prats, at Robi Domingo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …