Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mike, nananatiling matatag ang showbiz career

ni  Roldan Castro

MIKE Magat is back with a vengeance. Balik-bida siya sa pelikulang Full Moon.

Masaya at nagpapasalamat si Mike dahil may producer na nagtiwala ulit sa kanya para maging lead sa horror-suspense movie na Full Moon.

Naging bidang actor siya noon sa Babae sa Bubungang Lata, Nights of Serafina atbp..

Second horror movie niya ang Full Moon dahil nakasama siya sa Manananggal in Manila ng Regal Films. Kung dati ay pulis ang role niya, ngayon katatakutan siya dahil isa siyang taong lobo.

Marami ring pinagdaanan ang showbiz career ni Mike pero nananatili siyang matatag.

Ang talented na kagaya niya ay nandiyan pa rin kahit nawala na ang mga kasabayan niya.

Mukhang taon niya ngayong 2014 dahil bongga ang pagbabalik niya. Bukod sa Full Moon ay nakipagsapalaran din siya sa pagiging co-producer sa pelikulang Mga Batang Hamog.

“Gusto ko ring tulungan ang mga kasamahan ko sa industriya na mabigyan ng work kaya sinubukan ko ring mag-produce,” bulalas niya.

Kasama ni Mike ang dalawang Kapuso young stars sa Full Moon. Kumusta naman katrabaho ang mga bagets na ito?

“Mababait naman, marespeto at mga professional,” aniya.

Nasaktan pala ni Mike si Derrick  Monasterio sa kanilang fight scene  dahil mahahaba ang kanyang kuko bilang wolf pero hindi nagreklamo si Derrick. Itinuloy pa rin niya ang eksena.

“Roon ko nakita ang pagiging professional ng batang ‘yan,” sambit pa ni Mike.

Labis ang paghanga ni Mike kina Derrick at Barbie Fortesa dahil hindi naging pasaway sa set.

Anyway, may advance screening ang Full Moon sa April 29, 7:00 p.m. sa Fisher Mall Cinema at sa APRIL 30, 4:00 p.m., at 6:00 p.m. sa Ever Gotesco Commonwealth. Ang regular showing nito ay sa May 7 sa lahat ng SM CINEMAS. Tampok din dito sina Ricardo Cepeda, Eric Fructuoso, Selina Sevilla, Kate Foster. Ito ay sa direksiyon ni Dante Pangilinan under Lovely Nell Entertainment.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …