MAAARING lumikha ng good energy sa pamamagitan ng small “feng shui on-the-go” items. Ito ay makatutulong na ma-clear ang enerhiya, gayundin ay mapananatili ang good energy sa iyong paligid.
*Ang dalawang piraso ng small crystals ay good idea kung ikaw ay malayo sa inyong tahanan. Ang clear quartz at rose quartz ay mainam, gayundin ang black tourmaline bilang proteksyon o kyanite para sa maging balanse. Huwag kalimutan ang pagsasagawa ng ‘cleansing’ sa mga crystal paminsan-minsan. Maaaring isabit ang crystals sa jewelry/body feng shui, o maglagay ng small tumbled crystals sa iyong bulsa.
*Ang essential oils na iyong mapipili ay always “good feng shui on the go” tool. Ang lavender ay may malakas na protective energies. Sumubok ng iba’t ibang essential oils at alamin kung anong scent ang higit na magpapalakas sa iyo at sa iyong enerhiya.
*Ang pagsasagawa ng smudging o pagsunog ng insenso ay good idea para sa ano mang space, ngunit maaaring hindi mo ito magawa habang bumibiyahe. Gayunman, ang air spray ng good essential oils mix ay mainam para sa pagpapalakas ng enerhiya sa room.
*Manatiling ligtas sa pamamagitan ng pakiramdam sa enerhiya sa iyong paligid at iwasan ang bad spots. Ang lugar ay maaaring napakaganda ngunit posibleng may dangerous or bad feng shui.
Ang tanging paraan para ma-access ang impormasyong ito ay sa pamamagitan ng iyong pakiramdam – mainam ba ang pakiramdam mo rito, o hindi? Huwag hayaan na manghimasok ang iyong isipan sa unang dalawang segundo at iyong mararamdaman ang mga bagay na maaaring nakatago at hindi obvious kaugnay sa feng shui ng ano mang lugar.
*At siyempre, dapat matutunan ang good feng shui basics bago umalis at agad mong mababatid kung anong lugar ang nararapat para sa iyo.
Lady Choi