Friday , November 22 2024

Libreng malinis na tubig (purified, mineral or distilled) sa restaurants ang dapat isabatas!

00 Bulabugin JSY

NAIINTINDIHAN ko ang layunin ni Ang Mata Aalagaan (AMA) party-list representative Lorna Velasco sa paghahain niya ng panukalang batas – House Bill 3979 o Bottled Water Bill – na nag-aatas sa mga food establishment na isama umano sa kanilang menu ang pag-aalok ng bottled water (purified, mineral o distilled).

Sana ang ibig sabihin dito ni Congresswoman ‘e magsilbi ng LIBRENG ‘malinis’ na tubig ang mga food establishment.

‘E sa totoo lang meron naman talagang itinitindang  bottled water sa mga food establishment.

Ang dapat sigurong ipanukala ninyo Congresswoman Velasco, dapat magsilbi NANG LIBRENG bottled water (purified, distilled o mineral) ang mga food establishment.

Sa totoo lang, napakamahal ng bottled water sa mga food establishment.

Kung bumibili tayo ng purified or distilled water sa mga water station sa halagang P35 to P65 per 5-gallon, ang mga bottled water na kadalasan ay 375 to 500 ml lang ay nagkakahalaga ng P25 hanggang P60 sa  mga restaurant o food establishments.

Sa mga high-end food establishments nga ‘e nagkakahalaga pa ng P120 per 500 ml.

O grabe ‘di ba?!

‘Yun dapat ang itulak ng pamahalaan ngayon.

Kung gusto ni Congresswoman Velasco na isabatas ‘yan sana ay bilang proteksiyon sa mamamayan na kung sino o alin man food establishments ang lumabag ay dapat parusahan.

Mantakin ninyo, napakayaman ng bansa natin sa water resources, tapos dumaan lang sa proseso ‘e napresyohan na nang napakamahal?!

Hindi ba’t tungkulin ng food establishments na maglaan ng malinis na tubig (purified, distilled o  mineral) sa mga customer nila?!

Huwag na po natin pagastusin ang TAONG BAYAN sa mga batas na hindi naman magbibigay ng proteksiyon sa kanila!

Ang malinis na tubig (bottled mineral, purified or distilled water) ay dapat isilbi ng mga may-ari ng food establishments sa kanilang costumer.

Nagbayad na nga sa kinain sa restoran nila pati ba naman malinis na tubig may bayad pa!?

‘Yun ‘yon!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *