MANANG-MANA raw sa kanyang bossing ang isang Carter Don Logica.
Mayroon kasing nagreklamo kay Manila City Administrator, Atty. Simeon Garcia, Jr., na nakabistong ang tanggapan ni Logica ay may pinasasahod na ghost employees.
Kabilang umano sa ghost employees na ito ang asawa ng sekyu ni Logica na si Judith Domingo, isang Sharmayne Macorol, Alez Nasol, Mary Grace Pancho, kapatid ng isang alayas Kendi na secretary umano ni Logica, isang Rowena Salonga at isang Deborah Talusan.
Ang nasabing multo ‘este’ ghost employees sa tanggapan ni Logica ay nasa ilalim ng pangangasiwa ng isang Toti Diokno na ang trabaho ay naka-pokus umano sa mga pilahan at tarahan ng dyip.
Habang sa north impounding area ay nariyan naman ang isang regular na empleyado na isang Tony Punsal, na ang trabaho ay mag-isyu ng sariling sticker sa mga sasakyang tatlo ang gulong para hindi sila makompiskahan ng sasakyan.
Tsk tsk tsk …
Napakahusay pala ni Carpenter ‘este’ Carter ng MTPB … nakakapag-alaga ng ‘multo’ este ghost employees?!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com