MUKHANG ‘di apektado ang mga organic na tauhan ng Manila International Airport Authority (MIAA) at Land Bank of the Philippines (LBP) Manpower Agency sa taas ng renta o singil sa koryente at tubig ngayon.
‘E kasi ba naman mayroon extension ang kanilang bahay at nakubkob na nila para gawing boarding house at shelter ang halos lahat ng terminal ng NAIA Terminals 1, 2 at 3.
Sa NAIA T-2, ang karamihang MIAA ‘boarders’ ay organic employees, habang sa NAIA T-3 ay mas ‘talamak’ dahil mistula na itong “university belt area” na may nagluluto at ibinebenta pang cooked food as pack lunch sa mga opisinang nakahilera sa 2nd floor.
Matindi pa nito, sa mismong lugar din natutulog at nag-iimbak ng raw foods ang mga empleyado na doon nagluluto para itinda.
Meron na palang bagong food concessionaires ang MIAA!?
Anak ng tokwa!!!
Sa naturang palapag, may isa pang office doon, sa mismong computer terminals natutulog ang male LBP employees at sa kabilang side ng same room ay natutulog naman ang mga female personnel.
O, ‘di ba classic ito?
Sa totoo lang ‘to, fact u!
FYI, MIAA GM Bodet Honrado, kahit sa rampa na may nag-iisang opisina na hawak ng MIAA ay mga LBP din umano ang naghaharing uri? May isang kwarto kasi doon na may dibisyong kurtina lang ang tinitirhan ng male sa kabilang side at sa kabila mga female employees naman.
Linggohan, kinsenas o ‘di kaya buwanan na lang kung umuwi sa kani-kanilang mga bahay o probinsya ang nasabing mga empleyado.
Bakit ka pa uuwi ‘e everything is totally free!
Libre tulugan with aircon pa, may sariling comfort room with matching shower, complete appliances tulad ng television, refrigerator, microwave, electric stove at iba pa.
Tapos sa ‘business venture’ nila gamit ang MIAA service vehicle sa pamamalengke at sa pagluluto ay electric stove ang gamit, charge ang koryente sa konsumo ng MIAA.
Kaya kahit na nakapantulog na damit o naka-pajama ay puwedeng magsagawa ng routine inspection o gampanan ang official function nila.
Bukod dito, madali rin makapandaya ang mga empleyadong illegal stay-in sa airport dahil pwede silang mag-overtime ‘kuno’ kahit ang totoo ay natutulog lamang sila sa kanilang sleeping room.
O, ‘di ba ang suwerte naman ng mga taong ‘yan? Samantala ang puhunan lamang ay ‘kapal ng mukha’ at ‘tibay ng dibdib?’
Hanep! Onli at the airport talaga huh!
Hindi lang po ‘yan GM Honrado, walang paki ang mga taong ‘yan sa safety measures ng NAIA dahil sa kanilang paninigarilyo ay mistulang mga haciendero na bumubuga ng usok ng tabako sa mismong rampa habang nakatanaw sa magandang view ng runway.
Malaking disgrasya ang kakaharapin ng mga pasahero at airport users sa paninigarilyo ng mga taong ‘yan.
MIAA AGM SES ret. Gen. Vicente Guerzon,paki-pasadahan lang po ang mga area na ‘yan sa airport at mukhang naaabuso na ang isa sa vital installation sa ating bansa.
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com