ANG paglilipat ng bahay ay maaaring maging exciting at nakapapagod. Gayunman, ituring ito bilang positibong karanasan. At gawin ang makakaya na makapag-apply ng basic feng shui tips.
*Ang maayos na lugar na walang kalat ang best feng shui foundation para sa bagong tahanan. Huwag dadalhin ang mga kalat mula sa lumang bahay patungo sa bagong tahanan. Idispatsa ang mga ito bago lumipat sa bagong bahay.
*Kung gaano kainam ang taglay mong koneksyon, ganoon din kainam at kalinaw ang iyong energy levels. Ang décor items na maaaring hindi naman maaaring kalat ngunit posibleng magmukhang kalat kung hindi mo na kailangan ang mga ito. O kung bihira nang gamitin, o hindi na ginagamit. Idispatsa na lamang ang mga kasangkapan na hindi na gusto o hindi na kailangan.
*Ang bedroom ang pinakamahalagang lugar sa bahay. Tratuhin ang sarili nang maayos sa iyong bagong bedroom at ang lahat ng bagay ay magiging mainam. Matutong magbuo ng good feng shui bedroom at panatilihin ito.
*Ang mga bahay ay may mga ala-ala, katulad ng mga tao. Ang enerhiya ng lahat ng nakalipas na nangyari sa lugar ay posibleng manatili sa loob nito. Ang pinakamainam na gawin sa paglilipat sa bagong bahay ay ang pagsasagawa ng space clearing.
Lady Choi