Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Karayom (Tagos sa Puso at Utak) (Ika-4 labas)

NAMATAAN NI JONAS ANG BABAENG PASYENTE NA NATUTURUKAN NG MARAMING KARAYOM NA MERONG SAKIT NA TB

“Ang sabihin mo, talagang sa babae ka lang mabilis,” dugtong ng kaibigan niya.

“Sorry na, ‘Dre…Okey?” alo niya sa kaibigan sabay himas sa likod nito.

“Balik na lang tayo sa isang Sabado,” sabi naman ni Gary na parang kinakati ang butas ng tainga. “Sino pa’ng acupuncturist ang maiinterbyu mo, e, busy na silang lahat?”

Pagpihit ni Jonas para humakbang pa-labas ng klinika ay napansin niyang nakati-ngin sa kanila ni Gary ang babaing pasyente, si Lorena, nakahiga sa kama-kamahan na nila-tagan ng puting kumot. May karayom na naka-baon sa gawing itaas ng magkabilang bahagi ng dibdib nito, pati na sa dalawang braso at binti. Mayroon din itong tusok niyon sa ibabaw ng mga paa, sa ilalim ng mga bukung-bukong at ma-ging sa tag-isang tainga.

“Kumusta?” ang kaswal na bati ni Jonas kay Lorena.

“Okey lang…” ang tugon nito.

“Hindi ba masakit ‘yan?” aniyang itinuturo ang mga karayom na nakakabit sa dibdib ng kausap.

Umiling sa kanya si Lorena.

“Ang masakit para sa akin ay ‘yung nagkasakit  ako… Nalimitahan ang mga pagkilos at gusto kong gawin,” anitong may pait sa mga labi.

“Ano’ng health problem mo?” naitanong pa niya.

“Gaya rin ng problema sa kalusugan ng maraming Filipino, TB. Alam mo bang sa ating bansa’y pang-anim ang tuberculosis sa dreaded disease? Na sa tinatayang dalawandaang libo hanggang animnaraang libong dinadapuan nito ay maraming Pinoy ang namamatay araw-araw?” ang sagot ni Lorena sa maigsing tanong ni Jonas.

“Ganu’n ba?” ang tangi niyang nasabi.

“Ang masaklap pa, kulang ang pagli-ngap ng ating gobyerno sa mga may TB at iba pang nakamamatay na sakit  na gaya ng cancer, sakit sa puso, diabetes at iba pa… Pero sa pagkaapruba ng RH Bill (Reproductive Health Bill), alam mo bang naging necessity medicine na ngayon ang mga contraceptive pills, pati condom na sadyang pinaglaanan ng pondo ng gob-yerno?”  ang mga katagang maririing binitiwan ni Lorena. (Itutuloy)

Rey Atalia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

PCSO MMDA Patient Transport Vehicles PTV

Patient Transport Vehicles (PTVs) inihandog ng PCSO  sa Metro Manila 17 LGUs

LAHAT ng 17 lokal na pamahalaan sa Metro Manila ay nakatanggap ng tig-isang Patient Transport …

Araneta City

Happenings in Araneta City (Dec. 3 to 10, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

Pizza Hut Ultimate Cheesy 8 Pizza

The Ultimate Cheesy 8 Pizza is Pizza Hut’s cheesiest creation yet
Made with 8 cheeses, this festive number is bound to be the centerpiece of any celebration

When it comes to the Filipino holiday spread, no other ingredient is as joyful and …

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST Northern Mindanao gathered its valued media partners for the CEST Misamis Oriental Press Conference …