Sunday , November 24 2024

Karayom (Tagos sa Puso at Utak) (Ika-3 labas)

KINATAGAPO NI JONAS SI GARY SA “BALAY BAYANI” ISANG KLINIKA PARA SA MGA TAONG KAPOS SA PINANSIYA

Ito ang tinatawag na “Balay Bayani” na pagtatagpuan nila ni Gary. Pagpasok niya rito, sa gawing kanan ay ang mesa ng dala-wang kabataang lalaki na nagre-record sa pangalan at tagakuha na rin ng presyon ng dugo  at temperatura ng mga pasyente.

Sa tapat ng bukas-na-pintuan na kinatatayuan niya ay ang korteng “L” na pahabang mesa ng kahun-kahong mga gamot at bitamina na ipinamamahagi nang libre sa mga nangangailangan ng tatlong kababaihang  nakatalaga roon.

Nasa gawing kaliwa naman ang malaki-laking espasyo para sa mga pasyente at acupuncturist. Mayroon lamang itong da-lawang movable divider na hanggang dibdib ang taas, nagsisilbing partisyon sa iba pang bahagi ng Balay Bayani. Ang puwang sa gitnang-gitnang pagitan nito ang daanang papasok at palabas niyon.

Paglinga ni Jonas ay natanaw agad niya si Gary na nakatunganga sa apat na acupuncturist. Walang kakurap-kurap ang mga mata habang matamang pinagmamasdan ang bawa’t kilos at galaw ng manggagamot na gumagamit ng espesyal na uri ng karayom sa mga pasyente. Pero sa tuwing tinutusukan na ng karayom ang maysakit ay napakakagat-labi ito nang mariin, gayong kampanteng-kampante ang mismong may katawan sa pagkakahiga sa lagpas-baywang na gawang kama-kamahan.

Marahan siyang humakbang papasok ng klinika. Nadaanan niyang nakaupo sa silya ang mga pasyenteng naghihintay na masalang sa gamutan.

Ang bawa’t isa sa kanila ay may hawak na kapirasong karton na kinasusulatan ng numero para sa kani-kanyang kaukulang turno. Ang iba pa, dahil sa kakapusan ng mauupuan ay nanatili na lamang sa labas, sa paligid ng compound ng Bantayog.

Hindi namalayan ni Gary ang paglapit  niya. Bahagya pa itong nagulat  nang ka-labitin niya sa likod.

“Ba’t ngayon ka lang?” ang paninita nito sa kanya.

“Sobra’ng trapik sa Edsa, e,” naikatwiran niya. (Itutuloy)

Rey Atalia

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

Krystall herbal products

Produktong Krystall katuwang ng pamilya ng delivery rider sa pag-aalaga ng kalusugan

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong, Ako po si …

DOST NSTW Cagayan de Oro City

DOST brings nat’l science, technology, and innovation week in Cagayan de Oro City

The Department of Science and Technology is set to hold the 2024 National Science, Technology, …

DOST-PCCI innovation hub to boost enterprises’ growth

In a landmark collaboration aimed at bolstering the nation’s innovation and economic growth, the Department …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *