KADA weekend ay mayroon ginaganap na International PYROTECHNIC competition/display sa SM Mall of Asia.
Nitong nakaraang weekend ay ilang kamaganak natin ang mga nanood sa nasabing event.
Pero hindi natin nagustuhan ang mga nangyari batay sa sumbong na ipinarating sa atin.
Mayroon kasing ilang foreigner sa harap ng New Orleans Restaurant na nagkainitan dahil mayroon umanong nakaharang kaya natatakpan ang kanilang view.
Dahil doon nag-umpisa ang murahan at rambol. Talagang nagkagulo. Nagsapakan, tulakan, may mga nasaktan sa tulakan, may tinamaan sa ulo ng tripod ng camera.
Maraming spectator ang nabwisit dahil bukod sa mayroon mga ganoong klase ng tao ‘e napakakupad ng SM MOA security guards para agad na ilayo ang mga nagkakagulo sa grupo ng mga spectator.
Mantakin ninyong inabot pa ng mahigit 10 minuto bago nakarating ang mga inutil na SM MOA security guards.
Hindi ba dapat ay automatic na mayroong nakakalat na security guard para kapag mayroong mga insidente gaya n’yan ay agad nasasawata.
Wala rin contingency police force ang Pasay PNP kaya kinailangan pang tumawag sa pulisya ng SM bago nagdatingan ang mga pulis.
Isang nanay na may dalang bata ang nabagsakan ng TRIPOD, habang ang iba dahil gustong makaiwas sa gulo ay nagtakbuhan.
Makapagpapasalamat na nga lang tayo na walang naganap na malalang stampede.
Kung hindi tayo nagkakamali ay kada linggong may ganyang event ang SM MOA.
Sana lang ay hindi na maulit ang naganap na insidente nitong nakaraang linggo.
Kawawa ang mga gustong masiyahan sa PYROTECHNICS display pero perhuwisyo ang inabot.
Paging SM MOA security management!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com