Monday , November 25 2024

Ok lang ba makipagtalik sa unang date?

00 try me francine prieto

Hi Miss Francine,

Ok lang ba makipagtalik sa unang date?

BARRY

 

Dear Barry,

Sa totoo lang depende sa iyo at sa date mo ‘yan. Dahil may mga taong sinasabing huwag na huwag kang makikipagtalik sa first date lalong-lalo na para sa mga babae dahil baka ang maging tingin sa ‘yo ng lalaki ay easy ka, cheap ka at mas masaklap na pokpok ka.

Pero may iba namang nagsasabi na kung gusto ka talaga ng lalaki kahit na makipagtalik ka pa sa unang date o sa pampitong date hindi na siya mag-iisip ng kung ano-ano dahil ikaw ang gusto niya at maaaring mauwi pa sa pag-iibigan at relasyon.

‘Yung iba naman, kaya sila nakikipagtalik para malaman nila kung sexually compatible ba sila ng date niya na kung sakaling maging magsyota sila. Kumbaga tine-test drive muna. Para malaman din kung worth it ba kung magbibigay ka ng oras at atensyon sa nasabing tao.

Pero minsan kasi ang awkward ‘pag nakipagtalik ka sa unang date ninyo parang hindi ka pa gano’n kakomportable. Nangangapa ka at tsaka ang hirap kapag hindi mo pa masyado kilala ‘yung tao. Lalo na kung wala ka pang nararamdaman na kahit ano sa kanya bukod sa pagnanasa na pagkatapos ng ilang pakikipagtalik ay baka biglang may umayaw na sa inyo dahil nagkasawaan na.

Kaya minsan okay din na dumaan muna kayo na makilala ninyo ang isa’t isa para mag-grow nang mag-grow ‘yung feelings ninyo at kapag nagtalik kayo mas bongga at masaya ang pakiramdam.

Basta “go with the flow” lang huwag mong isipin na kelangang may mangyari sa unang date ninyo. Mararamdaman mo naman ‘yan kung dapat bang gawin. Siyempre huwag ipagpilitan kung may isang may ayaw.

Good luck!

Love, Francine

***

 

Try Me! Sa mga problema ninyo sa Love, Pamilya, Sex at Relasyon nandito ako handang sagutin base sa aking sariling opinyon, paniniwala at na-research. Nasa inyo pa rin kung ano ang susundin ninyo, ako ay option lamang. You can email me  [email protected] or text me  0939-9596777

 

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

Krystall herbal products

Produktong Krystall katuwang ng pamilya ng delivery rider sa pag-aalaga ng kalusugan

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong, Ako po si …

DOST NSTW Cagayan de Oro City

DOST brings nat’l science, technology, and innovation week in Cagayan de Oro City

The Department of Science and Technology is set to hold the 2024 National Science, Technology, …

DOST-PCCI innovation hub to boost enterprises’ growth

In a landmark collaboration aimed at bolstering the nation’s innovation and economic growth, the Department …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *