PROBLEMA NG BAYAN ANG USAPAN NAMIN NI MR. GENIUS AT ORANGUTAN ANG SOLUSYON
Pinagbigyan ko si Mr. Genius. Excited din naman akong makita ang dating mga katropa. Idinaos namin sa function hall ng isang kilalang restaurant sa Rosario ang reunion. Pagkaraan ng konting wentu-wentuhan ay naghapi-hapi na kami. Bumaha doon ng alak at pulutan. Pero maya’t maya ang pangangalabit sa akin ni Mr. Genius na kata-bi ko sa upuan. Kung ang karamihan sa amin ay babae ang paboritong paksa, ang sa kanya ay pawang problema ng bansa. Naalala ko tuloy si Macky, ang kabataang aktibista ng Uste na nanghihikayat noon sa akin na sumapi sa isang makabayang kilusan.
Inisa-isa sa akin ni Mr. Genius ang mga maiskandalong kontrobersiya sa pamahalaan ng mga nakaraang administrasyon: PEA-Amari, Behest Loan, Euro General, NBN-ZTE at gayundin ang kasuka-sukang Fertilizer Fund Scam, Pork Barrel Scam at kung anu-ano pa na unti-unti nang nalili-bing sa limot. “Sa kapal ng mukha nila ay ‘di na tinatablan ng hiya kahit araw-arawin ang mga kilos-protesta laban sa kanila.” Naitanong ko: “May magagawa ba tayo?” Ang sagot niya ay “mayroon akong naiisip na solusyon…”
Nag-flashback muna siya sa pelikulang Rise of the Planet of the Apes noong 2001. Nakita raw niya rito na ang mga orangutan ay may utak na parang sa tao. Matatalino at madaling matuto raw. Aniya’y mag-aalaga siya ng mga sandosena nito. Tuturuan itong humawak ng baril. Tapos ay sasanayin daw niya para maging isang hit squad. Lahat aniya ng mga magkakasala sa bayan ay parurusahan. Naniniwala siya na higit na magi-ging epektibo ang orangutan sa gayong gawain kumpara sa tao na nagtataglay ng mga kahinaan. “Ang tao’y posibleng magkaroon ng takot pumatay, maaaring maawa sa ipinapapatay o pangibabawan ng pansari-ling interes na sa halip likidahin ang target ay makipagnegosasyon para magpasuhol…”
(Itutuloy
Rey Atalia