Friday , November 22 2024

Just Call me Lucky (Part 36)

SINUNDO AKO NINA ERMAT AT ERPAT SA AIRPORT AT IBINIDA NI ERMAT ANG KAKLASE KONG SI ANDING

Sakay na ako ng bus pauwing Naic  nang matanggap ko ang text message ng  nagpanggap na si Joybelle. Humihingi siya ng kapatawaran sa akin. “Alam kong si Joybelle ang mahal mo, pero mula pa sa ating kamusmusan ay minahal na kita. Gusto ko sanang mapag-ukulan mo ng kahit konting-konting pagtingin man lang…Kahit sa katauhan ng iba… Kahit bilang isang proxy… Pero ako rin pala ang magdurusa sa huli. Ngayo’y higit na mapait na  alaala ang maiiwan mo sa akin.”

Alam kong kadalasan ay malungkot ang buhay ng mga katulad ni Ningning na laki sa dukhang pamumuhay. At sa pangingibang-bansa niya bilang isang DH, bukod sa hirap ng katawan ay makararanas din siya ng paghihirap ng damdamin at isipan sa pangungulila sa mga minamahal. Hindi bato ang puso ko. Makagagaan sa kalooban niya ang pagpapatawad ko. Ano kaya’t mag-text ako sa kanya ng pangu-ngumusta?

HIT SQUAD

Paglapag sa airpot ng eroplanong sinakyan ko galing sa  abroad ay lalong sumidhi ang aking pananabik na maiyapak ang mga paa sa lupang sinilangan. Tiyak na sabik na rin sina ermat at erpat na naghihintay sa akin sa arrival area. Nakikini-kinita kong sa labis na tuwa ni ermat ay mahigpit na yakap at ‘sang baldeng luha ang ipasasalubong niya sa akin. Hindi senti si erpat na tulad ni ermat pero alam kong masayang-masaya rin siya sa aking pagbabalik-bayan.

Sampung taon akong nawalay sa kanilang piling dahil sa paghahangad na pakinabangan nang maganda ang diploma ko sa pagka-inhin-yero. Sa ating bansa kasi ay masyadong binabarat ang pasweldo sa mga karaniwang  empleyado. Tumanggap ako nang malaking sweldo sa isang dayuhang construction firm na nagpa-dala sa akin sa mga job site sa iba’t ibang panig ng mundo. Pinakahuli akong nadestino sa South Africa.

Sinundo ako sa airport nina ermat at erpat na sakay ng isang taksi. Sa loob ng sasakyan ay naibalita ni erpat ang madalas na pangungumusta sa akin ni Anding, isa sa mga  nakaklase ko noong high school. (Itutuloy)

Rey Atalia

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

Krystall herbal products

Produktong Krystall katuwang ng pamilya ng delivery rider sa pag-aalaga ng kalusugan

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong, Ako po si …

DOST NSTW Cagayan de Oro City

DOST brings nat’l science, technology, and innovation week in Cagayan de Oro City

The Department of Science and Technology is set to hold the 2024 National Science, Technology, …

DOST-PCCI innovation hub to boost enterprises’ growth

In a landmark collaboration aimed at bolstering the nation’s innovation and economic growth, the Department …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *