MUKHANG lumalaki na ang sakit ng ulo ni Pasay City Mayor Antonino Calixto sa P54.5 billion reclamation project na kanilang ibinigay sa SM group.
Mismong si Finance Secretary Cesar Purisima ay sumulat na sa Malacañang at sinabing hindi dumaan sa transparency ang 300-hectare Manila Bay reclamation project na inaprubahan ng Pasay City government.
Ayon kay Purisima, ang proseso ng pag-aapruba ay hindi sumasang-ayon sa batas gayon din sa five-stage approval process ng Philippine Reclamation Authority (PRA).
Nilinaw din ni Purisima na ang pag-aapruba at pagdidis-apruba sa mga reclamation project ay kapangyarihan na ipinagkaloob sa National Economic and Development Authority (NEDA) na pinamumunuan ng Pangulo.
WAPAK!
Mukhang hindi lang biogesic at advil ang kailangang inumin ni CASH-LIXTO este Calixto dahil umabot na sa Malacañang ang isyu.
Mantakin ninyong PANGULO pala ng Republika ang may karapatang magdesisyon d’yan ‘e bakit pinangunahan at minadali ng Konseho at ni To-Calix?!
Dahil ba sa SOP at goodwill na mayroong nahatian at mayroong nabukulan?!
‘Yan ang P150-million question na dapat sagutin ni Calixto at ng mga ‘lumaban-bawi-laban’ sa konseho ng Pasay.
Tunay na sakit ng ulo ‘yan TO-CALIX!
Abangan ang susunod na kabanata …
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com