Friday , November 22 2024

No Certificate of Proclamation ng An Waray o no vacancy sa House of Rep?

00 Bulabugin JSY
MATINDI ang protesta laban sa An Waray party-list representative na si Victoria Noel, kapatid ng dating representative na si Rep. Florencio Bem Noel, member ng Liberal Party at sinabing saradong alyado ni Pangulong Benigno Aquino III.

Sa isang panayam, sinabi ni Comelec Chairman Sixtong este Sixto Brillantes na hindi nila pwedeng bigyan ng certificate of proclamation si Noel dahil ito ay nakareserba na sa Abang Lingkod party-list na naghihintay na lang din umano ng desisyon mula sa Supreme Court.

Ang tanong ngayon, bakit nasa Kongreso (Mababang Kapulungan) at nakaupo bilang An Waray party-list representative si Victoria Noel?!

Walang certificate of proclamation pero naroon sa Kongreso?!

Kung magkakaroon ng mabusising imbestigasyon at gaya nga ngayon na ipinoprotesta ng isang radio announcer ang pagkakaupo ni Noel, alin ang susunding batas?!

‘Yung sinasabi ni Brillantes na walang certificate of proclamation o ‘yung accommodation ng Mababang Kapulungan kay Noel kaya wala nang bakante para sa iba pang party-list seat?!

Ibang klase talaga ang batas sa Philippines my Philippines, butas-butas.

May inilalabas na Omnibus Election Code ang Comelec perodahil kaalyado ng Pangulo kaya tinanggap ng Kongreso?!

Pero ang isa pang nakapagtataka, kung bakit nakabinbin pa ang desisyon ng Korte Suprema para sa Abang Lingkod party-list, e bakit ipinagereserba na ng upuan ni Brillantes?!

Lumalabas na nanalo para sa dalawang seat ang An Waray party-list ‘e bakit ayaw bigyan ng certificate of proclamation?!

Tsk tsk tsk …

Nililito ba talaga nina Brillantes ang mga batas ng halalan sa bansa para sa kanilang mga palusutan?!

Mukhang walang plano si Brillantes na ayusin ang Comelec, manapa ay lalong nasasadlak sa kawalan ng kredebilidad ang halalan sa bansa.

Hindi ba naiisip ni Brillantes na nakatatakot ang ginagawa niyang pagbalahura sa Comelec.

Election na lang ang tanging huling legal na sandata ng mga mamamayan na matagal nanag nagtitiis sa katiwalian ng mga nakagogoyong politiko  sa kanila.

‘E kung ganyang nabababoy pa?!

Saan pa mangungunyapit ang mga naagrabyadong mamamayan?!

Sa bundok at sa dulo ng baril na armalite?!

Sa mga tamang desisyon, proseso at tunay na katarungan na lang naniniwala ang maliliit na mamamayang Filipino, Chairman Brillantes …

Pakiusap lang, huwag mo na itong ‘NAKAWIN’ sa mamamayan.

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *